Derrick at Elle, kumportable na sa lampungan

Elle Villanueva

Mas maiinit daw ang mga eksena nila Derrick Monasterio at Elle Villanueva sa bagong pagbibidahan nila na mystery revenge drama series ng GMA Public Affairs na Makiling.

Naging top-rater ang unang pinagsamahan nila na Return To Paradise.

Dahil umamin na ang dalawa sa kanilang relasyon, mas kumportable na sila sa mga lampungan na eksena.

First time din na sasabak sa mga buwis-buhay na action scenes si Derrick at pinag­handaan niya ito ng husto. “Sabi ko nga kay Direk, ‘yung mga eksenang may action stunts na kaya ko namang gawin na walang double, ready po akong gawin. Super-excited na ako dahil first time kong gawin ito for a TV series,” sey ni Derrick na ang mga kontrabida ay sina Myrtle Sarrosa, Royce Cabrera, Kristoffer Martin, Teejay Marquez, at Claire Castro.

Pinakita nga ni Derrick ang kanyang pinaghirapang physique sa nakaraang Sparkle Spell 2023 Halloween Party kung saan nakasakay siya ng kabayo at suot ay Spartan costume mula sa pelikulang 300.

Kita ang matitigas na muscles ni Derrick sa abs, braso, likod at hita. Kaya naman siya ang nanalong Black Carpet Stunner Award.

Andi, maraming natutulungan sa negosyo

Patuloy ang paglago ng mga negosyo ni Andi Eigenmann sa Siargao. Kaya marami raw silang natutulungan ng fiance’ niyang si Philmar Alipayo na mga residente ng isla.

Sa Instagram ay pinost ni Andi ang kanilang surf shop and cafe Happy Islanders Surf Club na healthy food ang sine-serve sa customers.

“We’ve been cooking up something special! Stoked to announce that we’ve turned another dream into reality through the official @happyislanders.surfclub cafe & surf shop. I love coming up with new ideas to present nutrient-dense meals in an exciting and yummy way. @jingyyjingyy and I managed to build a great menu for you all, and I hope you’ll love it,” caption ni Andi.

Dinarayo naman ng maraming locals at tourists ang kanilang bar na Barbosa Siargao na located sa At The Stokehouse in General Luna.

Show comments