^

Pang Movies

Ruby at Maine, nag-reunion sa Amerika!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Ruby at Maine, nag-reunion sa Amerika!
Arjo, Ruby at Maine

Nagkita pala ang dating Dabarkads na si Ruby Rodriguez at Maine Mendoza sa US.

Nagkaroon sila ng reunion nang bumiyahe ang mag-asawang Maine at Arjo Atayde sa Los Angeles.

Mukhang na-miss nila ang isa’t isa dahil ang tagal daw mula nung huli silang nagkita.

Caption ni Ruby sa kanyang post sa social media kung saan ipinakita niya ang litrato nilang tatlo, “It was so nice the feeling of seeing you both after such a long time as Mr&Mrs @mainedcm @arjoatayde… So happy to be of help… Thank you for the chat, safe trip and till the next time we see each other again.”
Nagkomento naman si Maine ng “Thank you, taruuubs!” na tila may tawagan sila.

Base sa background nila na may flag sa litrato ay binisita siya ng dalawa sa kanyang opisina.

Kasalukuyang nagtatrabaho ang former TV host sa Philippine Consulate General. May ilan naring celebrities ang dumalaw sa kanya sa kanyang opisina gaya nina Alden Richards at Michelle Dee.

Barbie at David, tuloy ang pakilig

Kilig overload ang fans ng Team BarDa sa behind-the-scenes ng special limited series na Maging Sino Ka Man.

 Pinost kahapon sa GMA Network Facebook page ang video nina Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at Pambansang Ginoo David Licauco kung saan makikita ang kanilang pagho-holding hands at kulitan habang off-cam! Talaga namang very close na ang dalawa kaya tuwang-tuwa ang netizens.

 Bongga.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with