^

Pang Movies

Alden, binuhay ang nakaraan nila ni Maine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden, binuhay ang nakaraan nila ni Maine
Alden Richards at Maine Mendoza

Tiyak na nagdiwang ang AlDub fans nina Alden Richards at Maine Mendoza sa sagot sa Monday episode ng Fast Talk with Boy Abunda ng aktor kung na-in love ba siya kay Maine noong kainitan nung AlDub loveteam nila?

“Yes, hypocrite po ako kung hindi,” sagot ni Alden. “Ayoko pong sabihing alam niya but I did confess. I’m very grateful to Maine and Eat Bulaga for opening a door of opportunities for me.  Ang daming dumating sa buhay ko because of it (AlDub), and I’m very grateful to Maine.”

Tungkol naman sa pagkabuwag ng AlDub, parang “break-up” na rin daw ito para sa kanya pero nilinaw naman niya agad na hindi lahat ng break-up ay masama at masakit.  Kailangang daw lamang talaga ni Maine ng growth at mag-move forward noon.

Meanwhile, ilang araw na lamang ang hinihintay ng fans nina Alden at Julia Montes sa opening day ng upcoming film nilang Five Breakups and a Romance on October 18, pero may premiere night muna sila on Tuesday, October 17. The movie is written and directed by Irene Villamor.

Carla, nag-action

Pumayag pala ang new Triple A actress na si Carla Abellana na mag-guest sa Black Rider starring Action-Drama Prince Ruru Madrid, for GMA Network.

Gaganap si Carla bilang si Becky, isang teacher na maho-hostage ng isang grupo ng sindikato kasama ang kanyang mga students. Feeling blessed ang aktres nang i-offer sa kanya ang said character dahil bukod sa naiiba ang role na ibinigay sa kanya ay makakatrabaho pa niya ang ilang veteran at award-winning stars.

“Maraming pagdadaanan yung role ko bilang teacher,” kuwento ni Carla sa 24 Oras.

“Gagawin niya yung best niya na protektahan yung tatlong estudyante niya,” dagdag niya.

At yes, sasabak siya sa ilang action scenes dahil bilang hostage makakatikim siya ng sampal, suntok, tadyak at iba pang pisikal na eksena kaya naman nakaranas siya ng mga minor injuries.

Kaya nga raw lalo siyang bumilib sa mga artistang nag-aaksyon kabilang nga ang cast members ng Black Rider.

Inamin din ni Carla na kahit guest role ang ginawa niya ay may ganitong occupational hazards din siyang nakuha kaya saludo raw siya sa cast ng serye at hindi biro ang mga ginagawa nila.

Malapit na rin ang world premiere sa November ng bagong GMA Afternoon Prime drama series na Stolen Life ni Carla na makakasama niya sina Gabby Concepcion at Beauty Gonzales.

Bale ito ang balik-tambalan nina Gabby at Carla sa GMA-7.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with