^

Pang Movies

Carlo, pinarurusahan sa ‘di pagdalo sa 3rd birthday ng anak!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Carlo, pinarurusahan sa �di pagdalo sa 3rd birthday ng anak!
Trina at Mithi

Patuloy na kinu-crucify ng netizens si Carlo Aquino sa hindi pagdating sa 3rd birthday ng anak kay Trina Candaza na si Mithi. Bale ba, may TikTok sina Carlo at girlfriend na si Charlie Dizon na lumabas the day after Mithi’s birthday party, kaya naisip ng fans na baka kaya wala sa birthday ng anak si Carlo dahil nag-beach sila ni Charlie.

Pati si Charlie nadadamay sa galit ng fans sa actor at may tumatawag na sa kanyang AJ Raval part two. Unfair sa kanya ito dahil magkaiba ang sitwasyon nina Carlo at Trina kina Aljur Abrenica at Kylie Padilla. ‘Yung mga itinatawag kay AJ ng mga galit na fans, itinatawag ngayon kay Charlie.

Invited naman daw si Carlo sa birthday party ng anak at pati nga parents nito, imbitado rin. May malaking rason tiyak kung bakit hindi sila nakarating at baka may sarili silang pa-bithday para kay Mithi,

Toni, mabilis ang paG-update sa anak

Masipag mag-post si Toni Gonzaga ng photo ng baby girl nila ni Director Paul Soriano na si Polly na ini-enjoy ng fans ng Soriano family. Ang latest post ni Toni kay Baby Polly ay sa Instagram stories na kung saan, makikitang natutulog ang baby.

Short and simple lang ang caption ni Toni sa kanyang post na “So cute.” Ang cute naman talaga ni Polly na mahimbing na natutulog katabi ang isang stuffed toy. Nauna rito, pinost na rin ni Toni sa Instagram ang photo ni Polly at may message na “You are the greatest reward I’ve ever held in my arms... Thank you for coming right on time just when I needed you most... My new best friend Polly.”

May mga nagbiro na malapit nang mag-expire ang pagiging best friend ni Alex Gonzaga sa ate niyang si Toni sa pagdating ni Polly.

Bea, suki ng bashers!

Sinagot ng fan ni Bea Alonzo ang comment ng isang netizen na plastic ang hug nina Bea at Michelle Dee nang mag-guest si Michelle sa lie detector test sa vlog ni Bea. Tama ang tanong ng fan ni Bea na alangan na­ming pang-best friends ang hug ng dalawa, gayung noon lang sila  nag-meet. Mas plastic kung super hug ang dalawa, eh acquittance pa lang sila?

Napansin tuloy ng fans ni Bea na favorite gawan ng isyu si Bea ng kanyang bashers at haters. Pagkatapos ng isyu sa birthday cake ni Kyline Alcantara, ito ngayon ang bagong isyu kay Bea na siguradong lalaki rin.

Mabuti at hindi naging big isyu ang pagkain ni Bea ng fish ball at kwek kwek habang break time sa taping ng Love Before Sunrise. Makikita ang aktres na naglalagay ng fish ball sa plastic glass, namili ng sauce, at ready nang tusukin ang fish ball. Ininggit pa  nga nito ang fiance na si Dominic Roque na favorite rin daw ang fish ball at kwek kwek.

Samantala, sa September 25, na ang world premiere ng Love Before Sunrise nina Bea at Dennis Trillo. Isa na naman itong mapanakit na series sa direction ni Mark Sicat dela Cruz. Kasama sa cast sina Andrea Torres at Sid Lucero na magpapagulo sa story at magpapagalit sa viewers.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with