^

Pang Movies

Charlie at Carlo, engaged na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Charlie at Carlo, engaged na?!
Carlo Aquino at Charlie Dizon

May suot na ring si Charlie Dizon sa photos na kuha ng boyfriend niyang si Carlo Aquino, kaya ang tanong ng netizens, engagement ring ba ang suot ni Charlie at kung engaged na ba sila ni Carlo?

Bukod nga raw sa ganda ng mga larawan na kuha ni Carlo, ang suot na singsing ng girlfriend ang napansin.

Hindi nga lang sinagot ni Charlie ang tanong, pero may mga nag-congratulate   sa kanila ni Carlo na para bang may proposal na nangyari.

Hindi maikakailang very much in love ang dalawa at mararamdaman ito sa kanilang tinginan, lalo na sa kaso ni Carlo.

Anyway, birthday ni Carlo noong September 3 at 38 years old na siya, samantalang si Charlie ay 27 years old. May 11 years silang age gap na obviously, hindi isyu sa kanila, kaya ‘wag na rin nating gawing isyu.

Sa birthday ni Carlo, pinost lang ni Charlie ang photo nilang dalawa at may short message na “Happy birthday @jose_liwanag.”

Juancho, nakatikim ng sampal ni Jean

Reunion nina Juancho Trivi?o, David Licauco, at Barbie Forteza ang teleseryeng Maging Sino Ka Man dahil magkakasama rin sila sa Maria Clara at Ibarra.

Wala nga lang nabago dahil kontrabida pa rin ang role ni Juancho at maiinis pa rin sa kanya ang fans nina Barbie at David.

Hindi naman problema kay Juancho na nalilinya siya sa bad guy roles dahil masaya maging kontrabida. Ang kaibahan lang ng role niya sa MSKM ay ang pananamit niya at may buhok siya.

Natanong si Juancho sa sampal sa kanya ni Jean Garcia at naririnig na niyang masakit manampal si Jean.   “May urban legend na masakit manampal si Ms. Jean at noong magti-take na sabi ko, “may cancer siya rito at dapat mahina lang siyang manampal.” Tatlong sampal ‘yun within five minutes. Noong una, malakas ang sampal, sabi nila wala ‘yun sa total potential ni Ms. Jean. Pero ayan na nga ba ang pang 100x na sampal na natanggap ko on screen, i still cannot believe that this is my job,” sabi ni Juancho.

Sa September 11, 8pm., sa GMA-7 ang world premiere ng Maging Sino Ka Man.

vuukle comment

CARLO AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with