Nadine, may real-life Ken!

Austin Titus

MANILA, Philippines — Ang bongga naman ng aktres na si Nadine Samonte at mister niyang businessman na si Richard Chua dahil biniyayaan sila ng guwapong anak na si Austin Titus.

Nagselebrayt ngayong taon ng kanyang fourth birthday ang bagets.

Base sa ibinabahaging mga litrato ni Nadine ng kanyang son ay mukhang heartthrob in the making ito.

Ipinost ng aktres ang photos nito sa isang event at effortless itong nagbihis gaya ni Ken sa Barbie movie at rumampa rin.

Caption ni Nadine na proud na proud sa kaguwapuhan ng kanyang anak, “My real-life Ken, gwapo.”

Wala namang duda sa sinabi ng mommy nito dahil sa ibinahagi nitong closeup photos ni Titus ay kakaiba pala ang color ng mata nito na lalong kinamangha at pinusuan ng netizens.

Nakaka-in love raw talaga ang mga mata nito na ayon kay Nadine ay 1/2 Pinoy, 1/4 German and 1/4 Chinese boy ang anak na mas lalong gumaguwapo ‘pag ngumingiti ito.

Bukod kay Titus ay may dalawang daughter pa sila Nadine na sina Heather at Harmony.

Kaya naman nakaabang na ang mga tagahanga kung papasukin din nito ang showbiz gaya ng kanyang mommy. Bongga!

Show comments