Beaver, nagbunga na ang pangarap!

Beaver

Natuwa ako na magkakaroon ng presscon para sa showbiz press si Beaver Magtalas. At lalo ako natuwa nang malaman ko na meron na siyang gagawin pelikula.

Bongga dahil nagbunga na rin ang pangarap ni Beaver na mapasok ang showbiz. At nakakatuwa naman na very supportive ang kanyang pamilya. Lalo pa nga ngayon na talagang getting older and looking better si Beaver na mas lalo pang gumaganda ang boses.

Maipagmamalaki niya talaga na ginawa niya lahat para mas maganda ang lahat ng training na ginawa at pinasok niya para lalo siyang makapagmalaki sa puwede niyang maging achievement. Hindi rin naging madali ang mga pinagdaanan niya. Kahanga-hanga talaga ang pagsisikap niya kaya dapat lang na magtagumpay ang isang Beaver Magtalas. Hindi niya minadali ang pagpasok sa showbiz kaya naman ngayon ay unti-unti nang natutupad ang mga pangarap niya lang noon.

Kaya ngayon pa lang, tulungan natin siyang lalo pang magtagumpay. Bongga.

Show comments