^

Pang Movies

Paolo at Isko, pinapirma ng kontrata

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Paolo at Isko, pinapirma ng kontrata
PAOLO, ISKO AT TAPE EXECS
STAR/ File

Buboy at Betong, laglag

Pormal na pumirma ng kontrata sina Isko Moreno at Paolo Contis sa Eat Bulaga bilang hosts ng programa kahapon.

Kasamang pumirma nina Isko at Paolo ang TAPE executives na sina Bullet at Jonjon Jalosjos kasama si Joy Marcelo ng GMA Artist Center at Atty. Maggie Abraham-Garduque, legal counsel ng TAPE.

Ayon kay Atty. Maggie, para sa security of tenure ang contract signing.

“Hindi lang hosts ang papipirmahin namin kundi pati empleyado na first time ginawa ng TAPE,” pahayag ni Atty. Maggie.

Sinamantala na rin namin ang pagtanong sa reaksiyon nila sa kumakalat na tsismis na hanggang end of July na lang ang Bulaga sa GMA.

Ayon kay Sir Bullet, “Hindi naman totoo ‘yon. Ang magtatapos, ang 33rd year ng Eat Bulaga sa GMA kasi papasok na kami sa 34 year ng Bulaga this July.

“Basta kami, maraming inihahandang sopresa sa July 29 at mas marami pa kaming gustong mapasaya at matulungan! Saya at tulong ang gusto naming ihatid sa Eat Bulaga na unti-unti eh, nagiging maganda ang ratings!” sabi ni Sir Bulleat.

Sa APT Studio naganap ang contract signing at nakita namin doon ang ilang dating empleyado ng Bulaga na kasama pa rin sa bagong management!

vuukle comment

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with