^

Pang Movies

Anak ni Jhong, ma-showbiz na!

RATED A - Aster Amoyo - Associated Press
Anak ni Jhong, ma-showbiz na!
Jhong

Alam mo, Salve A., isa kami sa natutuwa sa singer, actor, dancer, host at politician na si Jhong Hilario (Virgilio Viernes Hilario, Jr. in real life) dahil sa kabila ng kanyang pagiging abala bukod pa sa kanyang pagiging family man ay naisingit pa rin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo at siya’y nakapagtapos na cum laude kamakailan lamang ng Political Science degree sa Arellano University.

Very proud kay Jhong ang kanyang parents, ang kanyang longtime partner na si Maia Azores, mga kasamahan sa It’s Showtime at mga kaibigan sa kanyang bagong achievement.

Tulad ng kanyang kasamahan sa all-male dance group na Streetboys na nabuo nung 1993 ng veteran award-winning director na si Chito Roño na si Vhong Navarro, never na in-imagine ni Jhong na malayo ang kanyang mararating sa kanyang career na nagsimula lamang sa pagsasayaw.

Bukod sa pagsasayaw, isa ring mahusay na singer si Jhong at ito’y kanyang naipalabas nang siya’y maging bahagi ng ensemble ng Miss Saigon sa West End in London kung saan niya nakilala ang kanyang ex-wife na ngayon ang British national na si Michelle Westgate na kanyang pinakasalan nung 2005 at nauwi sa divorce in 2011. A year later in 2012 ay naging bahagi siya ng It’s Showtime noontime program ng ABS-CBN.

Cultural differences ang isa sa mga dahilan kung bakit nauwi sa hiwalayan ang relasyon ni Jhong sa kanyang unang misis plus the fact na ayaw umano nitong tumira sa Pilipinas.

Nang bumalik si Jhong ng Pilipinas after his one year and two months stint with Miss Saigon in London ay doon lamang nagsimulang muli ang actor-dancer sa kanyang karera sa Pilipinas.

Tulad ni Vhong, si Jhong ay nasa pangangalaga pa rin ni Direk Chito Roño hanggang ngayon. Ang isa pa niyang dating member sa Streetboys, ang dancer at dating actor na si Spencer Reyes ay sa Scotland naka-base ay may kani-kanyang buhay na rin at iba pa nilang mga naging kasamahan sa grupo at kasama na rito sina Joey Andres, Chris Cruz, Michael Sesmundo, Joseph de Leon at Nicko Manalo at iba pa.

Bukod sa pagiging isang mahusay na singer, dancer at host, nasa last term na rin si Jhong bilang konsehal ng unang distrito ng Makati City kung saan din nanilbihan bilang konsehal ang kanyang amang si Virgilio Hilario, Sr. sa loob ng tatlong termino o siyam na taon.

Si Maia Azores ang kasalukuyang partner ni Jhong at meron silang isang anak na very showbiz na agad.

vuukle comment

JHONG HILARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with