Showbiz writers, ‘di na nadagdagan!
Naku, ewan ko ba kung dahil 76 na ako at very senior na kaya laging tamad ang katawan ko.
Kung minsan talaga ayaw ko nang bumangon at gusto ko nasa bed na lang ako maghapon.
Buti na lang at may mga invitation pa rin kahit pa konting-konti na lang dahil nga wala masyadong ganap sa showbiz.
Napansin nga ni Dondon Sermino na hindi na raw nadagdagan ang number ng mga showbiz writer sa kasalukuyan, parang huminto na sa era nila.
Good sign kaya iyan or bad? Kasi nga baka akala ng iba, iyong mga nasa social media na lang ang puwede.
Ang mga original showbiz writers pa rin ang kilala ng mga star, at sila pa rin ang credible na binabasa ng lahat.
Kaya nga marami pa rin pahina ng showbiz sa Pilipino Star NGAYON at Pang Masa dahil hinahanap pa rin ang totoong showbiz news.
Saka may sariling market na sila.
Ang mga driver ba o nagtitinda sa palengke lahat naka-internet? Hindi naman di ba?
Saka di ba sa probinsya, hindi naman lahat malakas ang Internet.
Ang source of information pa rin nila ay ang dyaryo.
Bongga.
- Latest