^

Pang Movies

Audience ng Bulaga kahapon, hakot lang?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa

Wala namang sigurong umiyak sa hosts ng bagong Eat Bulaga kaya hindi para sa kanila ang tweet ng anak ni Joey de Leon na si Jako de Leon. May patama, o parinig ba si Jako sa mga bagong hosts ng noontime show.

“End of the day, principles, loyalty, honor & virtue hopefully are qualities that stil matter.  And for all the “new” hosts. Please, I’d appreciate if you spare us the crocodile tears and pseudo-sentiments towards the show and the fans. Just do what your paid to do. Thanks.”

In fairness, walang umiyak kina Paolo Contis, Buboy Villar, Mavy, and Cassy Legaspi, Alexa Miro, members ng Xoxo at Betong Sumaya, kaya walang guilty sa tweet na ‘yun ni Jako.

And speaking of Eat Bulaga, may nabasa kaming comments na ‘yung isang contestant sa pa-game ng show ay tindero ni Buboy sa kanyang food stall na pares.

Hakot daw ang audience at hindi ito nakakagulat dahil nagsisimula pa lang ang show.

Baka nga ang iba sa audience ay fans nina Mavy at Cassy, baka may pinapunta rin ang manager ni Alexa at may mga pumunta na fans nina Paolo, Xoxo at Betong.

May mga comment pang hindi raw sila nanood, pero alam ang mga kaganapan sa show at alam na namigay ng iPhone at iba pang papremyo.

Direk Paul, napilitang magputi!

Wala pang pangalan ang second child nina Director Paul Soriano at Toni Gonzaga dahil ang nakasulat sa cake sa ginawang baby shower for Toni ay “Baby Soriano.” O, baka ayaw pa lang ipaalam nina Toni at Direk Paul ang magiging pangalan ng kanilang darating na baby.

Sa nabasa naming post ni Toni, sina Camille Villar, Emmeline Aglipay-Villar,  Che Uy, Mariel Padilla, Winnie Wong, at Alex Gonzaga ang nagbigay ng sabi ni Toni, “most memorable shower.”

Naaliw lang kami dahil sa rami nang mapapansin, ang suot na polo pa ni Direk Paul ang nakita. Nakakagulat daw makita ang husband ni Toni na walang suot na cap at higit sa lahat, hindi kulay black ang polo. Dumating si Direk Paul na suot ang white polo na pinasalamatan ni Toni.

Cristine at Marco, bubuhayin ang tambalan nina Boyet at Vilma

Ang TV remake ng Viva Films movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon na Minsan Pa Nating Hagkan ang Nakaraan ang teleseryeng pagtatambalan nina Cristine Reyes at boyfriend niyang si Marco Gumabao. Kasama pa nina Vilma at CDL sa cast si the late Eddie Garcia.

Isa ang project nina Cristine at Marco sa in-announce ni Vincent del Rosario na upcoming project ng Viva. Ayon pa kay Boss Vincent, ginawa ng magdyowa ang nasabing project bago pa nila aminin ang kanilang relasyon.

Sa TV5 ang airing ng teleserye na hindi pa nabanggit kung sino ang director at kung sino ang co-stars nina Cristine at Marco.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with