^

Pang Movies

Anne at Heart, rumampa sa NY

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Anne at Heart, rumampa sa NY

Nagkita sina Anne Curtis at Heart Evangelista sa New York para sa reopening ng Tiffany & Co., at tuwang-tuwa ang fans ng dalawa dahil sa nasabing event lang uli sila nagkita at nakapagpakuha ng litrato.

Si Anne ang unang nag-post ng picture nila ni Heart na kasama si Sen. Chiz Escudero at kasama naman niya si Anton San Diego.

Sabi ni Heart, “Team PH!!! So happy I have these guys to be with! It’s minute since I’ve been to something so special (like pre-mamahood) so having them has helped me get that social (butterfly) in me out and about again.”

Ang gaganda ng suot ni Anne habang nasa New York, lalo na ‘yung naka-white dress siya at nakapusod ang buhok. May tumawag nga sa kanyang Audrey Hepburn at may nag-comment ng “The look is expensive yet down to earth. God bless Ms. Anne.”

Matteo, tuloy na ang pagiging Kapuso

Kundi man nagkatotoo ang tsikang lilipat sa GMA Network si Enrique Gil, mukhang ang tsikang paglipat ni Matteo Guidicelli ay magkakatotoo. Kahapon, may nakita kaming photo ni Matteo with Atty. Annette Gozon at Joey Abacan at kasama pa si Nessa Valdellon ng GMA News & Public Affairs.

Kasama naman ni Matteo si Mr. Vic del Rosario dahil nakakontrata siya sa Viva Artists Agency.

Ang caption lang sa photo ay “Coming Soon. Aba­ngan!” at naalala namin, ganito rin ang caption sa mga unang meetings niya with GMA management, pero walang nangyari. Nabalita pa noon na papasok siya sa Unang Hirit, inabangan ‘yun ng fans, pero doon nag-stop ang balita.

Cristine, ‘di noon naisip na jojowain si Marco

Natawa na lang siguro sina Cristine Reyes at Marco Gumabao na binalikan ng netizens ang interview ni Boy Abunda kay Cristine sa Tonight with Boy Abunda noong nasa ABS-CBN pa si Boy na kung saan, sa “Jojowain o Trotropahin” challenge, “Trotropahin” ang isinasagot kay Marco, Xian Lim, at Gerald Anderson. Jojowain naman sina Sam Milby at Zanjoe Marudo.

Naalala ng netizens ang sagot pa ni Cristine na “Ang bata pa ni Marco,” pero ngayon, dyowa na niya ang aktor. Never mind ang six years age gap nila dahil kahit 34 years old na si Cristine at 28 years old si Marco, bagay na bagay pa rin ang dalawa.

Alex, hiniritan si Billy!

Alex Gonzaga strikes again sa kanyang mga joke sa Lunch Out Loud o LOL na kahit walang binanggit na show, alam na ang It’s Showtime ang tinukoy na mag-overtime sila at ‘wag papasukin.” May mga na-offend, pero kitang nagtawanan ang mga kasamang host.

Pati ang hirit niya kay Billy Crawford na “Baka bumalik ka doon,” tinawanan lang ni Billy at saka lang siguro mao-offend ang mga kasama niyang host sa LOL kapag bumalik nga siya sa It’s Showtime.

Magtatapos na kasi ang LOL sa TV5 at papasok nga ang It’s Showtime at ang pre-programming nitong show ay ang Face 2 Face nina Karla Estrada at Alex Calleja.

vuukle comment

ANNE CURTIS

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with