Willie, wala nang lugar sa ibang network?!
Ang familia Villar ni dating Senate President at business tycoon na si Manny Villar ang nakakuha ng prangkisa na dating tangan ng ABS-CBN sa loob ng pitong dekada. Ito ay Advanced Media Broadcasting System (AMBS) at ALLTV ng mga Villar. Pero hindi sapat ang prangkisa lamang dahil kakailanganin ng bagong TV network ang magandang signal at iba’t ibang network infrastructures nationwide para maganda at malawak ang kanilang reach. Although they have all the means to invest sa lahat ng mga pangangailangang ng bagong TV and radio network, hindi ito ganoon kadaling gawin. It will take years to complete.
Sa aspetong ito, pansamantalang itinigil ang kanilang mga bagong launched na TV programs tulad ng daily game show ni Willie Revillame, ang Wowowin, ang daily morning show nina Ruffa Gutierrez, Mariel Rodriguez at Ciara Sotto na Mhies On A Mission (M.O.M.S.), ang talk show ni Toni Gonzaga na Toni at ang public service program ni Anthony Taberna na Kuha All.
Paano nga naman ipagpapatuloy ang mga programa kung mahina ang reach ng mga ito at hindi pinapasok ng advertisers?
Habang nag-i-scout si Willie ng TV network na kanyang malilipatan ng kanyang programa, patuloy niyang ginagawa ang kanyang show sa pamamagitan ng FB at YouTube.
Willie’s Wowowin was doing very well sa GMA nang hindi na ito i-renew ng kontrata.
Ang dating slot ng Wowowin ay okupado ngayon ng local franchise ng Family Feud game show hosted by Dingdong Dantes kaya walang bakanteng slot ngayon ang Kapuso network.
Tulad ng mga pagbabagong mangyayari sa Eat Bulaga sa darating na April 15, waiting din ang lahat kung saan mapupunta ang Wowowin ni Willie ngayong nagpaalam na ito sa ALLTV ng AMBS ng mga Villar.
PBBM/FL Liza, Prince Harry/Meghan, dadalo sa coronation ceremony ni King Charles III!
Isa si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos with First Lady Liza Araneta-Marcos sa mga kumpirmadong dignitaries mula sa iba’t ibang bansa na nakatakdang dumalo sa coronation ceremony ni King Charles III sa darating na May 6, 2023 sa Westminster Abbey in London to be officiated by the Archbishop of Canterbury na si Justin Welby.
At kasama ang First Couple sa 2,000 VIP guests na kinabibilangan din ng family members of the Royal Family sa pangunguna ng panganay ni King Charles (sa yumaong si Princess Diana) na si William, Prince of Wales (at sumusunod sa trono ni King Charles III) at wife nitong si Kate Middleton, Duchess of Cambridge at tatlo nilang mga anak na sina Prince George (9), Princess Charlotte (7) at Prince Louis (4), ang sister ni King Charles III na si Princess Anne at husband nitong si Sir Timothy Laurence at anak nitong si Peter Phillips and sister Zara Tindall and husband Mike Tindall, si Princess Beatrice at Edoardo Mapelli Mozzi, Princess Eugenio and Jack Booksbook at iba pa. Nakatakda ring dumalo ang First Lady ng Amerika na si Jill Biden na siyang magiging kinatawan ni US President Joe Biden.
Hanggang sa mga araw na ito ay hindi pa rin kumpirmado kung dadalo ang second son ng hari na si Prince Harry, Duke of Sussex at misis nitong si Meghan Markle (Duchess of Sussex) although natanggap na nila ng imbitasyon mula kay King Charles III.
Hindi maikakaila na strained na ang relasyon ng royal couple na sina Prince Harry at Meghan Markle sa Royal Family dahil sa pasabog ng mag-asawa sa kanilang exclusive interview with Ophrah Winfrey nung March 2021 na sinundan ng Spare book ni Prince Harry na inilabas late last year kung saan niya inilabas ang maraming sikreto ng royal family at ang away nila ng kanyang nakatatandang kapatid na si Prince William.
May mga ispekulasyon na dadalo umano sina Prince Harry at Meghan kasama ang dalawa nilang anak na sina Archie Harrison at Lilibet Diana pero inalis na sa kanila ang kanilang bahay sa Frogmore ni King Charles nang magdesisyon ang dalawa na mamirmihan sa kanilang $14M mansion in Montecito, California, USA kaya wala na silang matutuluyan.
- Latest