^

Pang Movies

Mag-asawang Korean Superstar Hyun Bin at Son Ye Jin, kakasuhan ang nagkalat na divorced na sila!

Nitz Miralles - Pang-masa
Mag-asawang Korean Superstar Hyun Bin at Son Ye Jin, kakasuhan ang nagkalat na divorced na sila!
Hyun Bin at Son Ye Jin
STAR/ File

Lagot ang mga nagbalita ng fake news na divorced na sina Hyun Bin at Son Ye Jin dahil magdedemanda ang couple. Nilinaw at itinanggi ang fake news na ito ng VAST Entertainment ni Hyun Bin at MSteam Entertainment ni Son Ye Jin.

“This is obviously fake news. We are constantly monitoring the situation internally, and we have already requested YouTube to delete the video. We will take strong measures, and we also plan to take legal action in relation to the content of the video.”

Na-report na nag-divorce sila noong March 15, 2023 na inalmahan ng managemement ng mag-asawa at agad naglabas ng paglilinaw at pagtanggi.

Lumabas sa Soompi, isang news portal sa Korea, ang statement na ito ng MSteam Entertainment.

Sa tiktok nakilala ang karelasyon...

Sa TikTok pala unang nakita ni Klea Pineda ang girlfriend na si Katrice Kierulf, kuwento ito ni Klea sa Update with Nelson Canlas.

“Nakita ko lang siya sa TikTok and hindi ko ine-expect na meron kaming common friend. And then kinulit ko na ‘tong si common friend namin,” panimula ni Klea.

“Ako naman magfi-first move and then wala naman akong idea kung she’s into girls ba o wala akong kaide-idea. I’m just shooting my shot kumbaga,” ayon pa kay Klea.

Nag-click daw agad sila nang finally, magkita na at doon na nagsimula ang lahat sa kanila.

Masaya siya sa relasyon nila ni Katrice at para raw silang magbarkada lang kung mag-usap. “Minsan naman sobrang couple namin, kung couple kami sa sweet sweet-an namin,” kuwento pa ng isa sa cast ng AraBella.

Mabuti talaga at walang ka-love team si Klea, wala siyang nasagasaan at walang fans ng love team na na-disappoint at nasaktan.

Gerald, wala sa plano ang kasal

Mahaba pala ang sinabi ni Gerald Anderson na “the one” niya si Julia Barretto sa interview sa kanya ni Korina Sanchez sa Rated K.

“No, siya talaga. Alam mo, you just know, alam mo na, e. You feel na may nagbabago sa iyo. You feel na nag-iiba or mas nag-iba ‘yung priorities mo or mas naging malinaw sa iyo ‘yung priorities mo. Alam mo ‘yung kasabihan na ‘you just know.’ Ang hirap mag-explain, e, iba ‘yung feel. Iba ‘yung feel,” sagot niya kay Korina.

Nakakatuwa ang reaction ng netizens at may nag-comment na pakasalan na niya si Julia para maniwala sila.

Paano ‘yan at nabanggit ni Gerald na wala pa silang balak magpakasal ni Julia? Medyo matagal pa ang ipaghihintay ng fans at bashers.

vuukle comment

HYUN BIN

SON YE JIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with