^

Pang Movies

Dinasalan ang Supreme Court, Vhong nagpasalamat, naniwala na ulit sa justice system!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Dinasalan ang Supreme Court, Vhong nagpasalamat, naniwala na ulit sa justice system!
Vhong

Masayang-masaya at labis ang pasasalamat ni Vhong Navarro sa pagkaka-dismiss ng Supreme Court ng dalawang criminal cases (rape and acts of lasciviousness) na isinampa sa kanya ni Deniece Cornejo.

Lumabas ang desisyon ng Supreme Court Third Division last Monday.

Sa It’s Showtime kahapon ay nagbigay si Vhong ng kanyang statement hinggil sa bagong development na ito.

“Dasal ako nang dasal every day and every night na hopefully ay makuha ko na ‘yung minimithi ko, na matapos na itong pinagdadaanan ko. Kasi may mga panahon na akala ko, nawalan ako ng pag-asa eh. Nawalan ako ng hope nung nasa loob ako.

“Pero hindi ako tumigil sa pagdarasal kaya eto na po, (dininig) na po ng Supreme Court ‘yung dasal natin. At nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba sa kaso ko. Kaya maraming-maraming salamat sa Supreme Court. Maraming-maraming salamat sa aking legal team na talagang nandiyan hindi ako pinabayaan,” pahayag ni Vhong.

Nagpasalamat ang TV host/comedian/dancer sa lahat ng taong naniwala at sumuporta sa kanya.

“Of course, ABS-CBN dahil hindi ako iniwan, binigyan ako ng trabaho. Welcome ako rito sa ‘Showtime.’ Sir Carlo Katigbak, Sir Mark Lopez and of course Tita Cory Vidanes, maraming-maraming salamat. I love you. Lagi kayong nandiyan. Lagi kayong nakaalalay sa akin. Of course, Direk Chito Roño, sa manager ko. I love you boss thank you so much. Sa Street Boys.

“At sa mga taong naniniwala sa akin, sumusuporta sa akin, marami pong salamat. Of course my family, kay Tanya, kay Yce, kay Bruno, sa dalawang nanay ko, sa mga kapatid ko at sa mga kaibigan ko pa, maraming-maraming salamat,” ani Vhong.

Binanggit din niya na dahil dito ay bumalik na ang paniniwala niya sa ating justice system.

“Dahil sa Supreme Court naniniwala po ulit ako na may justice system sa Pilipinas. Salamat po. Kaya patuloy po tayong magdarasal. God is really good,” he said.

Maging ang mga kasamahan ni Vhong sa “It’s Showtime” ay masayang-masaya sa magandang pangyayaring ito.

“Ang saya-saya nating lahat. Sabi ko nga sa chat very joyful, victorious and meaningful day, hindi ba? Ang daming messages ng pangyayari na ‘yon, isang pangyayari lang pero ang daming messages na sini-send out sa atin ng Panginoon doon. Just keep the faith. Haharapin mo ang pinakamabigat na ganap sa buhay pero at the end you will win because I am with you, ‘yun ang sabi Niya, hindi ba?” sabi ni Vice Ganda.

Dagdag pa ng Unkabogable Star, “Ang bigat-bigat nang pinagdaanan mo sobrang bigat, hindi ba? Pero hindi ka nag-iisa, nandiyan. Sabi nga nila if it’s not good it’s not the end because everything will end good. Ganda. Ang saya natin. Let’s keep the faith.”

Sinegundahan naman ito ni Vhong.

“Namamangha ako sa sinasabi n’yo kasi totoo. Ramdam ko, pinagdaanan ko. Kumbaga kung ano ang pinagdaanan ko at alam ko may iba na may pinagdadaanan din diyan, huwag tayong matakot. Harapin natin ang mga pagdadaanan natin na ‘yan at ‘yung hope at faith kay God natin ibibigay,” sey ni Vhong.

Pieta, ihahabol sa Mother’s Day

Patapos na ang shooting ng pelikulang Pieta at nasa last few days na lang sila pero ngayon pa lang ay very proud ang bida at producer na si Alfred Vargas sa movie at sa pagkakataong makatrabaho niya ang mga magagaling na aktor natin sa pangunguna ni Superstar Nora Aunor.

Nag-post si Alfred ng larawan niya kasama ang mga co-stars sa movie na sina Ate Guy, Jacklyn Jose at Gina Alajar. Sa caption ay ipinahayag ng aktor ang kanyang pasasalamat.

“This might be one of the most iconic photos that I’ll ever be a part of.

To be seated alongside three titans of Philippine Cinema ... to be performing with them in PIETA... is a life’s honor.

“Pangarap ito ng bawat artistang Pilipino. Pangarap ko ito kahit ako ay baguhan pa lamang noon. Natupad na ngayon! Thank you, Lord!” pahayag ni Alfred.

“I just feel so happy & blessed to be a part of the #PIETAmovie —a film that brings together National Artist & Superstar Nora Aunor @noravillamayor67 & our multiple best actress awardees in both local and international cinema, Ms @ginalajar & Ms @jaclynjose

“Thank you, Direk @aalixjr, for giving flesh to our vision! Thanks for putting this together!” saad pa ni Alfred.

Ang Pieta ay tungkol sa pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak mula sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Hopefully ay makaabotang playdate ng movie para sa Mother’s Day celebration sa Mayo.

vuukle comment

VHONG NAVARRO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with