^

Pang Movies

Juliever, sinorpresa ng coffee truck

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Juliever, sinorpresa ng coffee truck
Juliever

Ang bongga naman ng loyal fans nina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz nang bigyan nila ng sorpresa ang kanilang idolo. Binisita nila ang mga ito at niregaluhan ng isang coffee truck.

Base sa mga litrato sa social media, binisita ng mga tagahanga ang magkarelasyon sa kanilang set ng pelikulang ginagawa.

Talagang sabik na ang mga ito sa upco­ming movie ng mga ito at sinorpresa nila ito bilang pasasalamat na rin sa cast at crew ng pelikulang ginagawa.

Sumikat ang ganito sa South Korea kung saan nagpapadala ng mga coffee at food trucks sa filming sites bilang show of appreciation. Nagbibigay ang mga ito ng drinks at snacks bilang energy booster sa lahat ng parte ng production. Bongga.

Ibang isyu, dapat kinaklaro!

Kaloka naman na ginabi ako dahil ka-meeting ko ang lady of the hour na si Mama Alice Eduardo. At very relevant ang naging usapan dahil tungkol sa reclamation issue ha. Iyon pala na filling up o naglalagay sila ng buhangin sa paligid ng lake para hindi mag-overflow, at hindi totoo na nagri-reclaim sila.

Talagang kung minsan kailangan mong makausap para ma-clear mo ang issue. Para tuloy naka-relate ako dahil parang showbiz din pala ang pagiging businesswoman kung minsan.

May mga issue kasi na hinahayaan lang, pero meron talagang dapat i-clear mo rin agad dahil nagkakaroon ng ibang kulay. Pero hindi na iyon ang mahalaga. Ang natutuhan ko, siguro ang destiny ng tao talagang ‘pag sa iyo, makukuha mo.

‘Yung success story ni Alice Eduardo amazing kung paano niya narating ang kinalalagyan niya. Fantastic how she became what she is today. Talagang, parang ang dali lang, pero hindi naman lahat magiging ganun kasuwerte.

vuukle comment

RAYVER CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with