^

Pang Movies

David, gusto sanang ligawan si Barbie   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
David, gusto sanang ligawan si Barbie          
Barbie at David

Nag-trending ang guesting nina David Licauco at Barbie Forteza o FiLay loveteam sa Fast Talk With Boy Abunda na inere noong Lunes dahil sa mga pakilig nila sa kanilang fans.

Sa nasabing episode ay natanong si David kung liligawan ba niya si Barbie halimbawang wala itong boyfriend.

“Halimbawa lamang David, hypothetical, single si Barbie, liligawan mo siya?” tanong ng host na si Boy Abunda.

“I like smart and go getter na babae,” sagot ni David.

Hirit naman ni Barbie, “so, no?”

Sey ulit ni David, “I like cute girls, simple lang.”

Tinanong siya ulit ni Kuya Boy kung yes or no at sagot ng aktor, “ganu’n si Barbie, so, yes.”

Siyempre, hindi rin nakaligtas si Barbie at tinanong din siya kung sakali bang wala si Jak Roberto ay sasagutin ba niya ito.

Sagot ni Barbie, “siguro kapag nakilala ko siya deeper, kapag naging close siya sa family ko and all basta ‘yung talagang kapag nalaman ko kung paano siya manligaw, maybe I’ll have an answer then.

“But now, we’re really good friends, so, yes.”

Nagbigay rin ng mensahe sa isa’t isa ang dalawa na talaga namang ikina-happy at ikina-touch ng fans.

Mensahe ni David sa ka-loveteam, “keep chasing your dreams and maging grounded ka lang, alam ko naman na grounded ka, tsaka galingan mo pa. Tsaka ‘andito lang ako para sa ‘yo.”

Ang message naman ni Barbie for David, “I’m so proud sa na-achieve mo and what I like most about you, hindi ka nagbago. You’re still the same David na nakilala ko. And kahit sikat na sikat ka na ngayon, sobrang humble ka pa rin.”

Super kilig ang fans at kanya-kanya silang reaksyon sa Twitter, dahilan para mag-trending ang FILAY OnFastTalk at #FTBAFiLay.

vuukle comment

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with