^

Pang Movies

Vice napamura, nag-sorry kay Karylle

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Vice napamura, nag-sorry kay Karylle
Vice Ganda at Karylle

Si Kim Atienza ang itinuturo ng lahat sa dialogue kahapon ni Vice Ganda sa It’s Showtime na “Gusto niya yung magkakaaway tayo kunwari tas maraming maglalike-like para involved sila. Yes! Trending din siya, nakuha niya ang gusto niya. Ikaw talaga Kuya!”

Maraming ni-like na comment si Kuya Kim nang mag-trending si Karylle dahil sa ‘panunupalpal’ ni Vice sa kanilang programa the other day sa isang portion nito.

Ito ‘yung ni-remind ni Karylle si Vice tungkol sa kanta na prinactice ni Vhong Navarro.

“Vice may request si Vhongskie. Kasi last time nag-rehearse siya sa umaga tapos binigay mo sa iba ‘yung kanta n’ya,” hirit ni Karylle.

“Anong problema natin Karylle?” sagot nito

Sagot ulit si Karylle : “Natatawa lang kami kasi prinactice raw niya.”

“E di sana kinanta mo.”

At nagtawanan ang mga iba pang host.

“Okay na ‘yun, Karylle,” sagot ulit ni Vice.

Maraming na-hurt for Karylle.

Sa tagal daw nito sa programa, hindi na ito dapat binabastos.

At dito na pumasok si Kuya Kim nang sumagot siya sa isang tweet na nagpapasalamat sa kanya at suporta kay Karylle.

Sagot ni Kuya Kim, “@anakarylle is one of the kindest souls I know in showbiz. She will never talk negatively against anyone. I love Karylle.”

Ang daming nag-call out kay Vice. “Oh so i am being called out. Yes i acknowledge sablay ako dun. Potah sablay again. Bawi po ako. Bawi right away,” tweet nang mag-trending na.

Pero ok daw sila. At kahapon ay parang normal na ulit ang lahat sa Showtime. “Story time! Magkakasama kami ni K at Tyang and Anne sa dressing room. Di daw sya naoffend when i asked her. But i still apologized. So to simplify WE ARE OK. ”

At natutuwa pa nga siya dahil marami raw nanonood sa kanila kahapon.

Well, kahit anong nega ng issue, ang bottomline pa rin pinag-uusapan sila.

Pau Fajardo, naka-recover na sa broken engagement

Naka-recover na sa broken engagement ang social media star na si Pau Fajardo.

Pero wala na ulit itong planong ma-in love sa basketball player.

Maaalalang naging naging maingay ang pangalan niya sa broken engagement nila ng Ginebra player na si Scottie Thompson na ngayon ay preggy na ang pinakasalan na si Jinky Serrano.

Eight years silang naging-mag-jowa at engaged na nang biglang pakasal sa iba ang karelasyon.

May mga nanliligaw na raw sa kanya sa kasalukuyan “Meron naman pero ‘wag na muna.”

Hanggang saan lang ‘yung pag-entertain mo?

“Hanggang sa talagang ok na ako. Ok naman na ‘ko, kumbaga, ‘yung gusto ko ‘yung maging magaan lang,” sabi nang maka-chika namin sa thanksgi­ving party ng ini-endorse niyang Luxe Slim and Luxe Skincare.

Gaano na ba siya ka-ok?

“Ok na ok po. From 100, 100. Naka-recover na ako,” aniya pero halos isang taon din daw ‘yun bago talagang namin normal ang lahat sa kanya.

Inamin niyang mag-offer sa kanyang showbiz-related work pero wala pa raw siyang tinatanggap kaya sa mga social media siya naka-concentrate. “Kaya parang ang gusto po namin is pag-aralan kung paano.”

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with