^

Pang Movies

Sen. Chiz, ‘di napaamin ni Karen!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sen. Chiz, âdi napaamin ni Karen!
Chiz Escudero

Nag-react na si Sen. Chiz Escudero sa pangangantiyaw sa kanya ng mga kapwa-senador sa ginanap na session last Monday.

Sa nasabing session nga kasi ay tinukso siya ng mga kasamahang mambabatas matapos ang kanyang bakasyon sa Japan with wife, Heart Evangelista and his two kids.

Nag-dialogue pa si Sen. Grace Poe na “love is worth fighting for” at sey naman ni Senate President Migz Zubiri, “we believe in second chances.”

Sa panayam ni Karen Davila kay Sen. Chiz sa programa niyang Headstart, hiningi ng broadcaster ang reaksyon ng mister ni Heart sa pangangantiyaw na ito.

Tawa nang tawa ang Senador nang ipakitang muli ang video ng panunukso sa kanya.

Karen asked kung ano ba ang talaga ang kanilang pinagdaanan as a couple para masabi ng kanyang mga colleague na “love is worth fighting for.”

“I don’t know where they’re coming from, Karen. Ang pwede ko lang ma-comment sa sinabi ni Sen. Grace, Sen. Migz, sina Sen. Joel (Villanueva) at ng iba, patawarin na lang natin sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi,” natatawang sabi ni Chiz.

Dagdag niya, “no. 2, my public life has always been separate from private life and if I did not speak about my private life before, I will not be breaking that by doing so now.”

Tanong ni Karen, “but is everything good on the home front?”

Sagot ng asawa ni Heart, “yes, with God’s grace and even before.”

He added, “again, ‘yung mga kasamahan ko sa Senado, nangangantiyaw at nang-aalaska lang ang mga ‘yan dahil matagal kaming hindi nagkita, but it shows that our relationship in the Senate is good and we’re friends outside of our work in the Senate.”

Tinanong ni Karen kung may mga challenges ba silang pinagdaanang mag-asawa at sagot naman ng Senador, “well, we face daily challenges, Karen, whether with family, with marriage, with work or even with your own personal health.

“But you should look at challenges positively because without challenges, you cannot and will not improve nor will you increase, whether in faith or in the ability to face challenges in the future.”

Hindi pa rin kuntento si Karen at tinanong kung ano ‘yung kantyaw na “love is worth fighting for.”

Natawang muli si Sen. Chiz at aniya, “sabi ko nga sa ‘yo, patawarin natin sila dahil hindi nila nalalaman ang kanilang sinasabi.”

Well, unfortunately, hindi talaga napilit ni Karen ang mister ni Heart na magsalita tungkol sa issue ng hiwalayan.

CHIZ ESCUDERO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with