^

Pang Movies

Sharon at Lorna, may ‘parinig’ kay Coco!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Sharon at Lorna, may âparinigâ kay Coco!
Sharon Cuneta

Pareho palang gusto nina Megastar Sharon Cuneta at Lorna Tolentino na makapag-guest sila sa Batang Quiapo ni Coco Martin for the Kapamilya Network.

Matatandaan na pareho ring nagkaroon ng participation ang dalawa sa Ang Probinsyano ni Coco.

Payag nga si Sharon na kahit daw maging tindera lamang siya sa Quiapo ang gampanan niya, at si Lorna naman, sana’y tulad din sa Ang Probinsyano na nag-guest lamang siya sa simula hanggang naging regular na siya hanggang sa pagtatapos ng serye.

Pero ang narinig ko sa The Iron Heart mapapanood si LT. Si Sharon kaya?

Ruru at Bianca, first time sa trabaho!

First time pa lamang magtatambal sa isang serye ang real-life sweethearts na sina Ruru Madrid at Bianca Umali, ngayong nagsisimula na nilang magtrabaho sa upcoming series na The Write One, kaya kung excited RuCa fans, excited din silang dalawa.

Makakasama ng RuCa ang isa pang real-life couple, ang tambalan nina Mikee Quintos at Paul Salas, na una namang nagkasama sa The Lost Reci­pe pero ngayon lamang sila gaganap as a couple. At para sa ‘80s babies, tiyak na trip down memory lane ang muli namang pagtatambal ng real-life couple na sina Lotlot de Leon at Monching Gutierrez.

 

SHARON CUNETA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with