^

Pang Movies

Serye ni Herlene, inabot ng kabi-kabilang problema!

Gorgy Rula - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakabalik na sa taping si Herlene Budol sa kanyang drama series na Magandang Dilag.

Ilang beses naantala ang taping nito dahil inabot ng mga problema.

Bago siya umalis pa-Uganda, Africa para sumali sa Miss Planet International, pinag-taping muna siya.

Pero tinapon lang mga eksenang nakunan dahil hindi inaprubahan ang prosthetics na ginamit sa kanya.

Hindi lang sinabi sa amin kung ano ang prosthetics nito, pero isa raw ‘yun sa aabangan sa naturang serye.

Kaya bawal na bawal na kunan siya ng litrato dahil sorpresa raw ito.

Pagkatapos pumalpak ang pagsali niya sa Miss Planet Internatio­nal, bumalik na ng bansa si Herlene at kaagad na ini-schedule ang taping. Pero hindi rin siya nakabalik agad, dahil dalawang beses itong na-pack up. Nagkaproblema raw sa location, kaya hindi natutuloy.

Pero finally, nakapag-taping na rin siya nung nakaraang linggo, at meron uli kahapon.

Na-enjoy na ni Herlene ang taping at nakatuwaan siya sa set dahil napakabait daw nito, walang attitude.

Natuwa nga si Sandy Andolong sa kanya dahil napaka-humble raw nito. Si Sandy ang gumaganap na nanay dito ni Herlene.

Sabi nga ni Sandy, naging anak-anakan niya si Sanya Lopez sa First Yaya at First Lady, dahil napakabait din daw nito.

Ngayon daw ay si Herlene ang idinadag sa mga anak-anakan niya.

Samantala, naglabas na ang organizer ng Miss Planet International na tuloy na raw ang kanilang Coronation night sa Jan. 29, 2023 na gaganapin sa Phnom Penh, Kingdom of Cambodia.

Wala pang pasabi kung sasali ba uli roon si Herlene.

Ivana, natutulala kay Vice!

Natutuwang ibinabalita ni Ivana Alawi sa launching ng in-endorse nitong Maxijuice ng Maximum 88 Corporation, na sobrang na-enjoy raw niya ang shooting ng Metro Manila Film Festival movie nila ni Vice Ganda na Partners in Crime. “Ang saya saya! Super maalaga si Meme Vice. Abangan n’yo ang mga scene namin, first time kong ginawa. First mo­vie ko na parang lead e,” bulalas ni Ivana.

First movie niya itong magpapatawa, at si Vice Ganda pa ang kasama niya.

Nahirapan daw siyang sumabay dahil sa galing ng comedian/TV host. Pero ang dami raw niyang natutunan kay Meme Vice niya.

“Hindi ako nakakasabay. Ibang level talaga si Meme Vice! Alam mo na nanonood lang ako. Minsan nasa eksena na ginagawa namin, tapos hindi ako dapat tumawa.

“Ganun siya kagaling. Tapos ang bilis ng utak niya. Hindi ako makahabol talaga. Parang natutulala na lang ako, paano niya naisip ‘yun.

“Kailangan ko mag-aral pa,” sabi pa ni Ivana Alawi.

IVANA ALAWI

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with