^

Pang Movies

Heaven, may gustong patunayan sa mga lalaking nang-iwan  

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Heaven, may gustong patunayan sa mga lalaking nang-iwan         
Heaven

Hindi naman napigilan ang Kapamilya actress na si Heaven Peralejo na mag-topless sa kanyang 23rd birthday.

Pinost ng former Pinoy Big Brother housemate ang sexy photos via Instagram. Nilagyan niya ito ng caption na: “Level 23 in this game of life.”

Naging kontrobersyal si Heaven dahil sa mga lalakeng na-link sa kanyang romantically na sina Jimuel Pacquiao at Kiko Estrada.

Kelan lang ay nagbukas na ang restaurant business ni Heaven na The Food Market Manila.

Kasama rin pala si Heaven sa Metro Manila Film Festival official entry na Nanahimik ang Gabi kung saan may mainit na love scene siya kasama si Ian Veneracion. Mistress ang role ni Heaven sa naturang pelikula.

Maraming netizen ang nagulat sa transformation ng dating tahimik at di makabasag-pinggan na image ni Heaven ngayon. Para raw may gusto itong patunayan sa mga lalakeng iniwan siya sa ere.

Rhian, biglang naging charitable

Noong October 3 pa ang birthday ni Rhian Ramos pero patuloy pa rin ito sa kanyang pagbigay ng kawanggawa sa maraming single mothers sa Sampaloc, Manila.

Noong mag-turn 32 si Rhian, imbes na magkaroon daw siya ng malaking party, mas ginusto niyang magkaroon ng panahon sa kanyang pagtulong sa mga single mother.

“It’s tough enough to earn money for your own living expenses but what if you have kids to take care of and no one to help. It’s close to my heart kasi mommy ko, single parent din. Gusto ko pumili ng isang programa na puwede magbago ng buhay at puwedeng makatulong talaga na long-term. Just wanted to give a great big thank you to all the sponsors again. This was a really a great event!” sey ni Rhian.

Isa sa programang pinagkaabalahan ng Kapuso star ay ang paggawa ng dishwashing liquid. Nagpamigay siya ng mga librean materials sa in-organize niyang workshop.

Dagdag kita raw ito para sa mga single mothers. Namigay din si Rhian ng maagang pamasko sa mga ito.

Mukhang nahawa na si Rhian sa pagiging charitable ng kanyang boyfriend na si Sam Verzosa na kasalukuyang miyembro ng Congress bilang representative ng Tutok To Win.

Hyunson, may baby na

Masayang-masaya ang fans ng Koreanovela na si Crash Landing On You dahil ang mga bida na sina Hyun Bin and Son Ye-jin ay meron ng baby boy.

Ayon sa Vast Entertainment and MS Team Entertainment, kinumpirma nila na sinilang na ni Son ang isang baby boy noong nakaraang November 27. Nasa mabuting kalagayan naman daw ang mag-ina.

Kinasal sina Hyun Bin at Son Ye-jin noong March 31 at noong June ay in-announce nila na magkakaroon sila ng baby. October naman noong i-announce nila na boy ang magiging panganay nila.

Naging hit noong magkroon ng pandemic in 2020 sa Netflix ang series na Crash Landing On You na tungkol sa isang South Korean heiress na nag-crash ang sinasakyang parachute sa North Korea at ma-in love sa isang sundalo roon. Kinunan ang maraming eksena ng series sa bansang Switzerland.

Bago sila magsama sa naturang series, una silang nagkasama sa pelikulang The Negotiation in 2018.

HEAVEN PERALEJO

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with