^

Pang Movies

Mga ‘champion’, ‘di nakilahok sa MMFF

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sinasabing kapuna-puna sa taong ito na mukhang hindi sumali ang mga tinatawag na “champions” ng Metro Manila Film Festival sa darating na festival. Una, hindi gumawa ng pelikula sa taong ito si Vic Sotto, na sa kasaysayan nga siguro ng festival ay mas maraming panahong naging top grosser ang mga pelikula.

Wala ring isinali ang Regal Films, na hindi maikakaila na gumawa hindi lamang ng hits kundi serye ng hits na pelikula. Nagsimula sila sa thriller na Shake, Rattle and Roll, na umabot yata sa mahigit pang 10 pelikula, at lahat ay hits. Sinundan pa nila iyon ng seryeng nagpapakita ng kultura ng mga Pinoy at tsino, iyong Mano Po, na tinampukan ng pinakamalalaking stars at na­ging napakalaking hits din.

Hindi kaya sila sumali dahil hindi pa tiyak ang katayu­an ng mga sinehan dahil sa pandemic na umiiral pa rin naman? Hindi pa naman talaga normal ang mga sinehan. Una lahat ng pumapasok sa sinehan ay kailangang nakasu­ot pa rin ng face mask. Bagama’t hindi na masyadong mahigpit sa social distancing at maaari nang magkatabi sa upuan ang magkakasama, may mga sinehan pa ring naghahanap ng vaccine card, o kaya ay katunayan na may booster shots na ang manonood ng sine.

Ang masakit na katotohanan, aabot na sa apat na raan ang bayad sa sinehan,  katumbas na iyon ng walong kilos bigas, o apat na kilong asukal. Katumbas na iyan ng dalawang kilo ng siling labuyo, o tatlong kilong talong, o isa’t kalahating kilo ng sibuyas. Sinasabi ng mga ekonomista na maaaring makabawi ang ating ekonomiya mula sa umiiral na inflation sa ikatlong bahagi pa ng 2023, at saka pa lang siguro lalakas ang sine.

Sanya, ‘di nasabihan ng tamang protocol?!

Noong isang araw lang namin nakita ang video ni Sanya Lopez kung saan siya ay tumanggap ng award para sa seryeng First Lady ng GMA 7. Siyempre ang mas pinansin sa video ay iyong kailangan siyang alalayan dahil napigtas ang suot niyang sandals.

Iyon ang napansin, hindi halos napag-usapan na ang tinanggap niya ay hindi basta-bastang award. Pinili iyon ng mga huradong itinalaga ng simbahan, at ang nag-abot sa kanya ng award ay ang mismong Arsobispo ng Maynila na si Jose Cardinal Advincula. Hindi lahat nakakaharap ng arsobispo nang ganoon lang.

Obviously, hindi nagkaroon ng pagkakataon na sabihan si Sanya ng tamang protocol. Ang karaniwan ay humahalik sa kamay ng arsobispo bilang pagkilala sa kanyang katungkulan sa simbahan. Hindi siya inaakbayan gaya ng ginawa ni Sanya.

Matinee idol, nabatak pababa ng female star

Minsan nasabi sa amin ng isang kritiko, sumipa na raw ang career ng isang matinee idol nang lumipat siya ng network, pero tila bumagsak ulit ang kanyang popularidad nang itinambal siya ng network nila sa hindi sumikat-sikat nilang favorite star.

Mukha ngang favorite ng network ang female star, na noon pa pilit nilang itinatambal sa kung sino ang malakas na male stars nila. Pero ang nangyayari, nababatak pababa ang popularidad ng male stars na katambal niya.

Kawawa naman si matinee idol. Sumikat na siya nabatak na naman pababa.

MMFF

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with