^

Pang Movies

Sparkle stars, nag-shine!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Sparkle stars, nag-shine!

Ang bongga naman ng Sparkle. Nagkaroon ulit ito ng Signed For Stardom: #ProudToBeKapuso contract signing event kasama ang kanilang pinakabagong talents at kanilang stars na nanatiling loyal sa Sparkle. Ibinahagi nila ang buong event na napanood sa livestream sa Facebook at Tiktok para mapanood din ng kanilang mga tagahanga na gustong maki-celebrate sa kanila.

Nag-shine naman ang Studio 7 ng GMA kung saan 31 artista kasama ang mga komedyante, TV hosts, singers, beauty queens, hunks at rising stars aypumirma Sparkle’s magic wall bilang tanda ng kanilang glowing future bilang Kapuso.

Kasama rin sa mga nag-renew ng kontrata ay sina Kylie Padilla, Kyline Alcantara, Ysabel Ortega, Shayne Sava, Derrick Monasterio, at David Licauco. Present din sina Thea Tolentino, Sherilyn Reyes-Tan, Rodjun Cruz, EA Guzman, Juancho Trivino at marami pang iba na kabilang sa kanilang most talented actors at actresses.

Mas naging masaya at kuwela pa ang event nang magpatawa ang Kapuso comedians na sina John Feir and Buboy Villar sa stage na kinaaliwan ng lahat.

Dito na rin ipinakilala sa fans ang kanilang mga bagong mukha na parte na ng lumalaking pamilya ng Sparkle.

Pati ang Kapuso singer at All-Out Sundays mainstay performer na si Thea Astley ay present din sa event.

At ang pinakabagong Kapuso na kilala na natin na galing sa kabilang network ay naroon din para i-welcome na sina Bianca Manalo at Jayson Gainza. Pareho silang excited sa kung anong nakahanda para sa kanila sa kanilang bagong tahanan.

Siguradong nakaabang ang Kapuso fans sa mga bagong proyektong gagawin ng kanilang mga iniidolo. At sabik din silang mapanood ang mga bagong mukha sa Sparkle. Dahil nga bongga ang contract signing event, siguradong magiging yearly na itong aabangan kung saan nagtitipun-tipon ang Sparkle stars mapa-bago man o lumang artista ng Kapuso.

Lutang talaga ang saya sa Sparkle talents at lahat sila nag-shine sa event. Bongga.

GMA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with