^

Pang Movies

Ka Tunying, inaming ‘di natanggihan ang malaking offer ng Channel 2!   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ka Tunying, inaming �di natanggihan ang malaking offer ng Channel 2!                
Ka Tunying

Aminado si Anthony Taberna aka Ka Tunying na malaki talaga ang offer sa kanya ng bagong network na ALLTV Channel 2 na pag-aari ng pamilya ni dating Senador Manny Villar.

Sa presscon kahapon para sa kanyang bagong show na Kuha All sa nasabing network, sinabi niyang ayaw na raw sana niyang bumalik pa sa telebisyon. Matatandaang huli siyang napanood sa Kuha Mo ng ABS-CBN noong 2020.

“Actually po, hindi naman po ako talaga gigil na gigil na magbalik talaga sa telebisyon,” aniya.

“Dumating ‘yung pagkakataon na talagang sinabi kong ayoko na, eh. Gusto ko nang unahin ang pamilya ko, eh. Kasi, sobra pong exhausting po talaga ang magkaroon ng TV show/shows.

“Sobra pong exhausting, sobrang time-consuming, sobrang stressful, pagka may mga gusto ka na hindi mo makukuha,” sey pa niya.

Happy na raw siya sa kanyang YouTube channel plus may mga negosyo rin siyang kailangang asikasuhin.

Pero dumating nga ang offer ng AllTV at binigyan naman daw siya ng napakalaking offer.

“Sabi ko ‘lakihan n’yo sweldo n’yo sa akin, kasi kung hindi n’yo lalakihan ang sweldo nyo sa akin, eh magyou-YouTube na lang ako.’ Ayun, kaya nilakihan ‘yung ano (talent fee) ko.

“They gave me an offer that I couldn’t refuse. Eh sino naman ako para tumanggi?” he said.

Siyempre, nahilingan siya ng ‘talent fee reveal’ pero hindi na ito sinabi pa ni Ka Tunying.

Inaming niyang bago ang offer ng AllTV ay nagkakaroon na sila ng pag-uusap ng TV5 pero hindi ito nag-materialize dahil napakabilis daw kumilos ng AllTV.

“No offense but with the current plans ng AllTV ngayon, tingin ko, blessing in disguise na nandito po ako sa AllTV at hindi nagkatuluyan du’n sa TV 5.

“Uulitin ko, no offense naman, ano? And I fully respect MVP (Manny V. ­Pangilinan of TV5) pero tingin ko ay may magandang dahilan kung ba’t hindi kami nagkatuluyan and maybe this is for the good of everyone, lalo na sa career ko at sa management din ng AllTV. Napakagandang maging parte ng bagong Channel 2,” pahayag ni Ka Tunying.

Ang Kuha All ay isang public service program na may kinalaman sa mga krimen o aksidente, anomalya or kahit anon’g mga interesting stories na nahahagip or nakukunan ng camera.

Dahil nga public service ang bago niyang show ay natanong din ang broadcaster/commentator kung paghahanda ba ito ng pagpasok niya sa politika in the future at aniya ay hindi naman daw at wala raw talaga sa isip niya ang pasukin ang politika.

“I have had offers from all parties na yata in the past at tinanggihan po natin kahit wala po tayong gagastusin para sa kampanya. Because wala po sa dugo ko ang politika,” pagbabahagi pa niya.

When asked kung anong posisyon ang inaalok sa kanya na takbuhin, aniya ay sa pagka-Senador daw at kumpleto na nga raw ang budget for the campaign.

“Susulatan na po ‘yung tseke. Pero hindi po talaga. Sabi ko nga sa kanila, hindi ko po linya ito. I’d like to get involved in public service but not necessa­rily become a public servant,” sey pa niya.

Samantala, pasabog nga raw ang pilot episode ng Kuha All kaya dapat daw talagang abangan. Magsisimula na ito ngayong Nov. 26 (Saturday) at 5pm.

vuukle comment

MANNY VILLAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with