^

Pang Movies

‘Salamat sa umaapaw na pagmamahal!’

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
âSalamat sa umaapaw na pagmamahal!â
Alice

Sobra akong na-touch nang mag-alok si Mama Alice Eduardo na bayaran ang one month dialysis session ko. Imagine mo na hindi taga-showbiz si Mama Alice pero heto at inaalok ako ng financial ayuda.

Kaya kung minsan gusto ko talagang magmalaki na kahit maldita at loka-loka ako, ewan ko kung bakit ang dami kong natatanggap na pagmamahal  ngayon na meron akong konting sakit. Hindi ba nakakaiyak na parang mahal na mahal ka ng friends mo.

Si Kris Aquino merong sakit pero nagawa pang mag-alok ng tulong.

I feel so loved, so spoiled with all the love na natatanggap ko. I can never repay all the favors, pero sa puso ko mananatili ang utang na loob sa lahat ng taong nagpa­darama ng pagmamahal.

Ultra Mega, pinaghahandaan ang Big Affair taun-taon

Alam mo, Salve, na every year talagang pinupuntahan ko ang big affair ng Ultra Mega supermarket ni Mang Erning Lim. Every year walang palya ang pag-attend ko sa wholesale affair na ito ng Ultra Mega.

Ngayong year sa Okada swimming pool nila ito gagawin, at sabi ni Mang Erning Lim mas malaki pa raw ito ngayong Oct. 7-8 mula 7 a.m. to 6 p.m. Bongga pero baka nga dahil sa parang weak pa ako kaya hindi ako makakara­ting.

Sayang ang maraming giveaways na binibigay sa akin tuwing uma-attend ako ng affair nila. Talagang ito ang hinihintay ng lahat ng retailers at sari-sari store owners sa buong Pilipinas. Imagine mo na buti na lang wala na ang health scare kaya tuloy ang ligaya ng Ultra Mega.

OKADA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with