^

Pang Movies

Boy Abunda, handang ibenta ang bahay para kay Mariel   

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Boy Abunda, handang ibenta ang bahay para kay Mariel          
Boy

Nakahandang magbenta ng bahay si Boy Abunda matulungan lang ang dati niyang alaga at anak-anakan na si Mariel Rodriguez.

Sa latest vlog ni Mariel kasi ay nang-prank siya ng ilang mga kaibigan at isa nga sa nabiktima niya ay ang dati niyang manager.

Sey ni Mariel, winarningan na raw siya before ni Kuya Boy na huwag mangpa-prank sa vlog kaya naman naniwala agad ang King of Talk sa mga sinabi ng dating alaga.

Bago tumawag si Mariel kay Kuya Boy ay nag-isip muna siya ng script na sasabihin. At ang naisip niya ay manghiram ng P5 million dahil may inorder siyang isang truck ng beef at hindi dumating ang kanyang perang inaasahan.

Nasa isang zoom meeting si Kuya Boy nang sagutin ang tawag niya at nag-excuse muna ito sa mga kausap para i-entertain si Mariel.

At sinabi na nga ni Mariel ang kanyang prepared prank script.

“Tito Boy, I have a problem. I’m in trouble. Because ‘di ba I have the Cooking Ina Food Market and so I ordered a container of beef. It’s coming in already and I already paid 50% of the beef,” sey ni Mariel.

“I was expecting money to come but it didn’t so I need to come up with P5 million. If not, I won’t be able to get it then maba-blacklist ako and you know, the contract won’t go through. I don’t wanna tell Robin. He’s gonna get mad at me,” patuloy ng asawa ni Robin Padilla.

Sabi naman ni Kuya Boy ay mag-usap sila ulit after the meeting at nangakong tutulungan si Mariel.

Dito na ibinunyag ng dating TV host na “it’s a prank.”

“Tito Boy, I hope that you’ll love me forever, this is a prank. I love you so much, bumalik ka na sa meeting mo. Sobrang sorry. Hindi ko kailangan ng P5 million,” sey ni Mariel.

“No, no, I will,” giit ni Kuya Boy na tila hindi nagets na prank nga lang ‘yun.

Inulit ulit ni Mariel na, “tito Boy, this is a prank!”

Dito pa lang tila naintindihan ni Kuya Boy at nasambit na lang niya, “oh my God, no, I will sell my house for you.”

Na-touch at na-guilty naman si Mariel kaya panay ang hingi niya ng dispensa kay Kuya Boy.

“No problem. But you take care. Whether it’s health or money, alagaan mo ang sarili mo. Whether it’s a prank or not, I will help you,” sey naman ni Kuya Boy.

Alma, nilinaw na walang sabit ang jowa ni Winwyn

Hanggang ngayon ay hindi pa nga officially ipinapakilala ni Winwyn Marquez sa public ang non-showbiz partner at ama ng kanyang first baby na si Luna kaya may mga nagdududang baka naman may sabit ang guy.

Pero nilinaw ng ina ni Winwyn na si Alma Moreno na binatang-binata ang boyfriend ni Winwyn. “Unang-una, binata. Kung ano ‘yung iniisip n’yo. Binata ‘yung kapartner ni Winwyn. Siguro, respeto na lang natin ‘yung desisyon muna ng anak ko na gusto niya, tahimik muna,” sey ni Ness nang makatsikahan namin sa mediacon ng bago niyang comedy series sa TV na Kalye Kweens.

Nabanggit din ni Ness na tila bawal din sa trabaho ng guy na ma-expose. “May work kasi na hindi pwedeng ano, eh…” aniya.

Inamin naman niyang namanhikan na sa kanila ang guy. “Unang-unang namanhikan ‘yan kay Joey (Marquez), tatay. Namanhikan kay Joey, tapos sa akin nu’ng buntis (si WinWyn).”

Pero boto naman daw sila sa guy, lalo na raw si Joey. Bata pa lang daw ito ay kilala na nila at noon pa ay parang anak na raw ang turing dito ni Tsong.

“Saka nakita naman namin na mahal na mahal nung lalaki si Winwyn. Sila naman nagdesisyon so, hindi ako pwedeng mag-ano. Hintayin ko na lang, sila na lang (ang magsalita). Ayoko namang pangunahan ‘yung anak ko,” she said.

BOY ABUNDA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with