^

Pang Movies

Rhian at Heart, kinaiinggitan

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Sure ako na marami ang inggit na inggit sa photos ni Heart Evangelista na naka-post sa internet. Ang bongga ng outfits niya at grabe ang ganda ng accessories. Pero higit sa lahat ang ganda niyang magdala talaga ng signature items, hindi forcing thru, hindi trying hard. Casual na casual na para bang ordinary thing lang ang mga signature niyang gamit.

Ibang-iba talaga ang confidence niya. Dalawa sina Heart at Rhian Ramos sa talagang bongga ang taste, ‘yung tipong kahit duster lang sa Divisoria, mukhang class ‘pag sila ang nagsuot.

Grabe ang pagiging fashionista at classy nila kaya nga ang dami nang insecure sa kanila.

‘Small world ang lahat ng bagay at tao’

Touching ang pa-lunch ni Rubby Coyuito ng Flawless dahil pinili niya ang very expensive private dining na Pio’s Kitchen.

Imagine mo na P5K per person ang lunch na iyon with Leo Espinosa, Pat-P Daza, Gorgy Rula, Salve at later nga ay humabol sina Papa Juancho at Pinky Tobiano. Talagang Rubby Coyuito made sure na ang pinakamahal at pinaka-private na lunch ang binigay sa atin kaya nga very thankful at grateful tayo.

It was a lovely lunch indeed, from Paris na nakasama natin si Rubby matagal din natin siyang hindi nakasama kaya enjoy ang chikahan natin. At small world dahil matagal na palang family friend nila Pat-P at mommy niya na si Jullie Yap Daza ang mga Sy at Coyuito. Kaya baby pa si Pat-P nakikita na ni Rubby.

At si Leo Espinosa pala ang gumugupit ng buhok ng pamilya nila Rubby. Talagang small world ang lahat ng bagay at tao. Akalain mo na meron palang binding knots sa isa’t isa ang bawat isa sa atin. Kaya nga halos tatlong oras ang lunch na iyon kahapon sa Pio’s Kitchen. Sana maulit para masarap na ang kain, masarap pa ang kuwento.

HEART EVANGELISTA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with