^

Pang Movies

Manny Villar at Lito Atienza, mabilis umaksyon

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Manny Villar at Lito Atienza, mabilis umaksyon
Manny Villar

Dalawa sa mga pulitiko na talagang hanggang ngayon hindi ako kinakalimutan ay sina Manny Villar at Lito Atienza.

Para bang kahit anong nagaganap sa buhay ko, nalalaman nila sa pamamagitan nina Eric Cham at Avec Amarillo.

At hayan na agad ang tulong, nandiyan na agad hindi lang emotional support kundi pati na tulong financial.

Kaya puwede n’yo ba akong sisihin bakit sobrang loyal ko sa kanila. Kung bakit anumang takbuhan nilang posisyon gusto ko silang manalo.

Gusto kong lahat ng puwede nilang pangarap matupad. Kasi nga sobra sila sa bait, sobra sila magmahal.

Ysabel, charming sa screen

Ang ganda naman ni Ysabel Ortega sa What We Could Be. Ang husay pang umarte at sobra ang charming sa screen sa mga napapanood kong trailer.

Talagang nakatakda na nga siguro na maging big star si Ysabel dahil ngayon pa lang kita mo na ang kanyang screen presence.

Hopefully ay tuluy-tuloy na lahat para kay Ysabel. Another gem of GMA 7, make her the brightest.

MANNY VILLAR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with