^

Pang Movies

Anak ni Jean sa Hapon, papasang K-Pop star

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Anak ni Jean sa Hapon, papasang K-Pop star
Kotaro Shimizu.

Papasa na isang K-pop star ang anak ni Jean Garcia na si Kotaro Shimizu.

Sa porma nito at pati na ang mukha at buhok, pang-BTS ang dating kaya naman proud ang aktres na isama ito bilang date niya sa GMA Thanksgiving Gala.

Sa Instagram ng Lolong star, pinost niya ang photo ni Kotaro sa event ng GMA at nilagyan niya ng caption na: “Ehem ehem, flex ko din lang po yung date ko sa GMA Thanksgiving Gala guys hihihiii @_kotaroshimizu thank you honey for being with me last night, this means a lot to me. Thanks a million for always having my back. I love you son! Gwapo po ng anak ko di ba?!!! Proud mom here.”

Higit sa 25K followers na ang Instagram ni Kotaro at ang mga uploaded photos niya ay mukha talaga siyang K-pop star kahit na hindi ito Korean dahil Japanese ang father nito.

Ang pinaka-cute ay ang photo niya noong bata pa siya at naka­yakap sa kanyang Mommy Jean. Simple lang na “I love you mom” ang caption ng photo.

Bata pa lang si Kotaro ay mara­mi na ang gustong kunin itong mag-artista, pero si Jean mismo ang hindi pumapayag dahil gusto niyang makatapos ng kanyang pag-aaral si Kotaro.

Pero ngayon ay parang okey na kay Jean na mag-showbiz si Kotaro, pero ‘yun ay kung gusto raw nito.

Bianca, dumanas ng matinding depression nang magkaroon ng sakit sa balikat

Nakaka-recover na raw ang dating aktres na si Bianca King sa naging shoulder surgery niya noong nakaraang taon.

Pag-describe ni Bianca sa kanyang pinagdaanang surgery ay isang “horrifying experience.” Sumailalim sa biceps tenodesis para maayos ang dislocated shoulder niya na nagdudulot sa kanya ng matinding sakit.

Kuwento ni Bianca, na-misdiagnose siya sa Pilipinas na meron siyang rotator cuff tear. Noong magpa-MRI siya sa Australia, ibang diagnosis ang binigay sa kanya. “Luckily I did another MRI in Sydney and the diagnosis was joint instability and a split in my biceps anchor with calcific tendonitis. Inflammation and pain caused by the loose shoulder. Our consistent workouts helped me to feel strong all over, with my shoulder 90% back to normal and my entire build looking more toned than ever. All in the comfort of my own home with minimal equipment.” sey ni Bianca na dumaan rin sa six months of physiotherapy para lumakas ang kanyang right arm and shoulder.

Inamin ni Bianca na dumaan siya sa depression nang magkaroon siya ng shoulder injury noong pandemic dahil hindi siya makakilos ng maayos. One year din siyang tumigil sa pag-yoga.

“I was depressed being isolated at home during the peak of the pandemic, not being able to bathe myself properly or cook my own food, mostly laying in bed feeling down and crying to my friends on the phone.”

Thankful si Bianca dahil ina­alagaan siya nang husto ng mister niyang si Ralph Wintle na brother-in-law ni Iza Calzado.

Dognappers ng bulldogs ni Lady Gaga, nasentensyahan na

Nasentensyahan ng apat na taon sa bilangguan ang isa sa tatlong dognappers ng French bulldogs ni Lady Gaga.

Inamin ni Jaylin Keyshawn White sa California court na kabilang siya sa gang na bumaril sa dog walker na si Ryan Fischer at nag-dognap sa French bulldogs ng singer noong February 2021.

Nag-plead guilty si White sa second-degree robbery at pinatawan siya ng four-year prison sentence.

Hinihintay na lang ang final sentence para sa dalawang kasama ni White na sina James Howard Jackson and Lafayette Shon Whaley.

Sa tulong ng surveillance footage kaya na-identify ang dognappers at sa pagbaril kay Fischer.

JEAN GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with