Gerald at Julia, mahirap nang paghiwalayin
Mahirap na raw mapaghiwalay sina Gerald Anderson at Julia Barretto.
Sobrang in love daw ang dalawa sa isa’t isa.
Ilang taon na rin ba sila?
Basta ang alam namin, nagsimulang magkagustuhan ang dalawa, nang gumawa sila ng pelikula sa ibang bansa.
Henceforth, nanatili na silang close as can be.
Piolo, baka maunahan ni Inigo
Natawa si Piolo Pascual sa balitang magre-retiro na raw siya.
He loves showbiz so much daw, the idea to quit acting has not yet hit him daw.
Now 45 years old, wala pa ring seryosong babaing naiuugnay sa kanya.
Biniro nga raw ng ilang kaibigan na malalapit sa kanya, baka maunahan pa siyang mag-asawa ng kanyang international singing actor-son, si Inigo, who is 24.
Shaina ‘di na nararamdaman?
Asan na nga kaya si Shaina Magdayao, dating nali-link kay Piolo?
She may be 32 years old now.
An actress-dancer, isa siya sa local actresses na kinunsider na pretty and sexy.
Younger sister of Vina Morales.
Vina, proud kay Robin
Of Vina, she admits na-link siya dati kay Robin Padilla.
Sobra raw ang paghanga ni Vina kay Robin, dahil nag-emerge ito as number one senator sa nakaraang election.
Good friend daw si Vina ang wife ni Robin na si Mariel Rodriguez.
JC, masaya sa ‘flower’ ni Lovi
To the max daw ang nararamdamang pagmamalaki ni JC de Vera na nakatrabaho niya si Lovi Poe sa ngayo’y nagte-trending na Kapamilya series, na adapted sa Korean series na Flower of Evil.
Fan pala si JC (Juan Carlo) talaga ni Lovi, whom he consider one of our real good actresses.
It seems a lucky year (2022) for him, too, where leading ladies are concerned.
Paired with him, too, in Bakit Di Mo Sabihin si Janine Gutierrez na may playdate na, yes this coming August.
Then there’s, too, the romantic comedy, na ang makakapareha naman niya ay ang magaling na si Alex Gonzaga, The Entitled, the Theodore Boborol directing
Of Flower of Evil, it is aired every Saturday and Sunday, 9 p.m. at the Kapamilya channel and A2Z and on Viu, Thursdays and Fridays, 8 p.m.
- Latest