^

Pang Movies

Born or made!  

YSTAR - Baby E - Pang-masa

I love to mention an article about Mother Lily Monteverde whenever one is ask if stars sa showbiz ay born or made.

Both is always her answer.

First nga, kung sabagay, you have to discover him, her at them.

In her case nga halimbawa, she recalled that nakita niya una sa billboard along the street ng CCP (Cutural Center of the Phillipines) ang isa sa mga commercial ni Gretchen Barreto at nagandahan siya.

Inutusan niya ang one of her boys sa Regal Films to locate her and requested her kung puwede niyang makita ang personal.

Gretchen turned out to be even better-looking in person. She asked her if she could sign her up to be one of her talents.

When she agreed, doon na siya grinoom.

In the case for Nora Aunor, aksidente rin kung bakit na-discover siya ng talent scout, na tumulong sa kanya.

In Bicol (Iriga, Camarines Sur), isa siya sa mga teenager na nag-aalok ng tubig sa mga pasahero ng train.

Naging ugali na ni Guy (palayaw ni Nora Auror even then) na umawit habang nag-aalok ng tubig sa pasahero.

Naaliw sa kanyang pag-awit, inalok siya ng pasahero na nagkataon palang nagta-trabaho sa Sampaguita Picture at ipakilala siya kay Dr. Jose Perez.

At alam na natin ang kasunod na pangyayari.

Angeli, tuhog

Hindi isyu kay Angeli Khang ang diumano’y pagiging sexpot niya to the max, kaya marami siyang assignment.

Para kay Angeli, kapag napag-usapan na ang kanyang role, iyon na ‘yon.

Halimbawa, pumayag siyang maghubad to the max sa isang eksena, dahil ipaliwanag naman sa kanya ng direktor kung bakit gagawin niya ito.

For her, a role is just a role din lang.

No wonder, among her fellow talents sa Vivamax, siya ang pinaka-busiest.

May bagong assignment kaagad siya, pagkatapos niyang gawin ang Virgin Forest.

At hindi lang basta kung ano-anong role ang tinatanggap niya. And she makes sure professional siya to the max lagi sa trabaho.

So far, pagmamalaki ni Angeli , wala pa sa mga nakasama niya ang nagreklamong unprofessional siya.

Sobra raw ang inimprove ng buhay nila ng kanyang pamilya mula nang mag-artista siya.

Kaya, sobra raw ang kanyang pasasalamat na kahit papaano ay magandang buhay nila sa kasalukuyan.

“God, salamat,” taimtim pang dugtong ni Angeli.

Aktres, kailangan ng tulong

Sana ay may mag-alok daw ng tulong sa isang dating kilalang character actress na to the max daw ang paghihirap ngayon. Bale ba, may sakit ito.

At walang pamilyang nag-aasikaso.

LILY MONTEVERDE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with