^

Pang Movies

Maricel, mas naging abala nang tumanda  

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Maricel, mas naging abala nang tumanda               

Grabe, Salve A., kung kailan, kumbaga, nagkaedad si Maricel Laxa saka naman naging busier than thou siya.

Heto at ‘di pa man, kumbaga, tuluyang namamaa­lam ang Mano Po Legacy, itinuturing niyang kanyang comeback project of sorts, yes, after a while of not working, may nakatakda siyang ipalabas for GMA a new drama series, Apoy Sa Langit.

And guess who is directing it?

Si Laurice Guillen, isa sa itinuturing na best in her crop.

Guess pa rin kung sinu-sinong artists ang makakasama niya?

Zoren Legaspi is her lea­ding man, she said. Plus, Ramon Christopher, Mariz Ricketts and Carlos Siguion-Reyna, na director din.

Of direk CSR, anak siya ng kilalang actress-producer na si Armida Siguion-Reyna.

Maybahay niya ang equally popular actress, writer and producer, Bibeth Orteza.

Of Maricel, kilala ang kanyang family sa showbiz.

Her father is action star Tony Ferrer (real name: Antonio Laxa), younger brother ng kilalang producer na si Atty. Espiri­dion Laxa, may-ari ng dating sikat na film production, Tagalog Ilang Ilang Productions (TIIP).

Mother niya ang dating kilalang actress na si Imelda Ilanan, ngayon maybahay ng isang apo ng dating Presidente ng Pilipinas, Manuel L. Quezon.

Isang apo ni Presidente Quezon sa anak nitong si Nini Quezon, na makapangasawa ng Avanceña, ang lola ng ina ni Maricel.

Jak, aprubado ang pagjojowa ni Sanya

Walang kaba si Jak Roberto sa nakababatang kapatid na si Sanya Lopez na sinasabing handa nang makipagrelasyon sa edad na 25.

Alam daw nito na not all newcomers are given the chance she is enjoying now. Imagine nga naman, magkasunod ang two projects niyang parehong siya ang title roles.

Ang una, of course, we all know is First Yaya at sa kasalukuyan, she is doing a sequel to the series, where again she plays the title role, First Lady.

In both series, too, leading lady siya to Gabby Concepcion, na dream lang daw niya dati na makasama sa isang project.

Nagiging favorite kapartner na rin siya ni Senator Bong Revilla.

Since magkasunod din siyang leading lady nito sa magkasunod nitong action series, Agimat ng Agila.

No wonder nagiging favorite actress din siya ng ilang kilalang top cagers.

Well, keep up the good work, Sanya.

Kris, nami-miss sa mga rally

Sayang at may sakit pa si Kris Aquino.

Nakaka-miss ang kanyang presence sa kabi-kabilang pabonggahan ng political rallies and what have you ngayon.

Obvious na malapit na ang botohan.

Para sa akin, iba ang dating ni Kris sa mga okasyong ganito, bagama’t alam mong napipikon din, kung minsan, alam niya to behave well pa rin.

Sana, she eventually overcomes her health problem.

vuukle comment

JAK ROBERTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with