^

Pang Movies

Mga Marites mawawalan na ng career Paolo at Yen,lalantad na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Mga Marites mawawalan na ng career Paolo at Yen,lalantad na?!

Ni-like ni Paolo Contis ang pinost ni Yen Santos na photo niya sa Instagram at nangunguna talaga ang pangalan niya sa mga nag-like na may black and white version. Iba’t iba ang mood ni Yen sa photos na pinost na nagsilbi ring pagbabalik niya sa IG.

Dalawa na lang ang posted photos ni Yen sa kanyang IG mula nang i-deactivate ang account. Ang isa pang larawan sa IG niya ay noong Dec. 24 pa at katabi niya si Santa Claus na ni-like rin ni Paolo.

Ang feeling ng netizens, si Paolo rin si Santa Claus, nagsuot lang daw ng costume ang aktor para hindi ma-bash si Yen.

Ang pagpo-post ni Yen ng photo niya sa IG ay kasunod sa sighting sa kanila ni Paolo last week sa isang mall at holding hands habang naglalakad.

Kahit naka-face mask at naka-cap si Yen, nakilala pa rin sila ni Paolo ng mga tao na nasa mall din that time.

Heart, rumarampa rin sa kampanya

Tumutulong na si Heart Eva­ngelista sa kampanya ng asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero na tumatakbong senador. Pumunta sa Cebu at Bacolod si Heart na hindi kasama si Chiz.

Noong nasa Cebu si Heart, nilibot nito ang Carbon Market at nakakatuwa na may nagbigay sa kanya ng junk food. Game rin siya sa request ng picture taking sa tao, basta suot ang face mask.

Sa Bacolod, may presscon si Heart at nag-guest sa mga radio station at ikinampanya nga si Chiz.

Tama ang isang fan ni Heart sa sinabing, hindi lang siya sa Paris rumarampa, pati na rin sa Carbon Market sa Cebu at sa Bacolod.

Very proud pala si Heart kay Chiz sa plano nitong magpatayo ng home for the homeless gays sa paniniwalang “All of us were equally born albeit not born equal. It is our duty to ensure the equality of each person in our own eyes and in the eyes of the law.”

Lalo nitong mapapa-“I’m very proud of this one” nito si Heart dahil nag-groundbreaking na ang Sorsogon’s first Cancer Care & Treament Center na isa sa commitment ni Chiz to provide quality healthcare para sa Sorsogon.

Joey, napuri si Kylie

This April o first week ng May na pala manga­nganak si Winwyn Marquez at kahit may mga apo na sa ibang anak, excited pa rin si Joey Marquez na makita ang magiging apo kay Winwyn. Mas excited nga raw siya sa nalalapit na panganganak ni Winwyn at araw-araw niyang tinatawagan ang anak para mangumusta.

“Siyempre, excited ako dahil karagdagan na naman sa mga bilang ng aking pamilya ‘yan. At saka first time kong makikita si Winwyn na magi­ging nanay kaya nga sabi ko sa kanya, pagkatapos niyang manganak, pahiram muna.”

Ang hinihiram ni Joey ay ang magiging baby ni Winwyn na siguradong hindi nito ipahihiram at gugustuhin na sila ng kanyang partner ang mag-alaga sa kanilang baby.

Samantala, mapapanood si Joey sa Bolera na magiging mentor ni Joni (Kylie Padilla). Malapit na ang airing nito, kaya tuluy-tuloy ang taping at may magandang sinabi si Joey sa kanyang mga kasama, lalo na kina Kylie, Jak Roberto, at Rayver Cruz. Matagal na raw siya sa showbiz at marami na ang mga nakatrabaho, pero iba ang sipag na nakita niya sa tatlo, magalang, masipag at seryoso sa trabaho.

Bituin, sinagot si Elizabeth sa ‘bayaran’ 

Sinagot ni Bituin Escalante ang naging pahayag ni Elizabeth Oropesa tungkol sa artista at singers na nagpi-perform sa mga kampanya nina Bongbong Marcos at Sara Duterte.

Sabi ni Elizabeth, “Ipapuputol ko ‘yung dalawa kong paa. Gagapang na lang ako kung binabayaran kaming mga artista kay BBM. Natutuwa ako para dun sa mg artistang kinukuha nila (other camp). Kasi, sigurado ako, may TF ‘yan.”

Sagot ni Bituin, “Ma’am, hindi ko po hihingin na putulin n’yo ang dalawa n’yong paa. Respeto lang po sa aming mga boluntaryong nagpeperform para kay VP. Hindi po kami bayaran. Wala po ni isa sa amin ay bayaran.”

YEN SANTOS

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with