^

Pang Movies

Jelai, bagong Beautederm baby

Gorgy Rula - Pang-masa
Jelai, bagong Beautederm baby

MANILA, Philippines — Women empowerment ang priority ni Ms. Rei Anicoche-Tan sa bagong endorsers na kinukuha niya.

Ang latest ngang inilunsad niya nung Sabado ay si Jelai Andres na talaga namang malakas ang following sa social media.

Merong 17.7 million consolidated followers si Jelai sa kanyang Facebook, Instagram, YouTube, at Twitter at dahil dito isa siya sa pinaka-prominenteng influencers sa social media ngayon. Ang kahiganteng following ni Jelai sa social media ang nagbigay daan sa kanyang very promising career bilang isang aktres kung saan lumabas siya sa pelikulang Feelennial noong 2019 at pati na rin sa mga top-rating serye ng Kapuso network gaya ng One Of The Baes at Owe My Love at pati na rin sa YouTube short films na Barang at Sama Ka.

Pero inspiring ang kuwento ni Jelai na alam naman ng lahat ang pinagdaanan  sa dating asawang si Jon Gutierrez ng Ex-Battalion.

Ongoing na ngayon ang paglilitis ng kanilang annulment case kaya hindi na makapagbigay ng pahayag si Jelai ng update ng kaso.

Pero sobrang nakapag-move on na raw siya at parang love guru na nga raw siya sa pagbibigay ng payo sa mga kababaihang dumaan din ng matinding pagsubok kagaya ng nangyari sa kanya. “Dati po ‘pag ako tinatanong nila kung paano mag-move on, sabi ko bakit ako ang tinatanong n’yo, eh ako nga hirap na hirap din, hindi ko alam kung paano. Pero ngayon ay nasasagot ko na po sila. Tingin ko nga po parang love guru na ako kasi nakikinig sila sa akin.

“Para sa akin lang ito, hindi in general na sinasabi ko. Pero ang sinasabi ko, dapat pala hindi ko ito ginawa. Eto pala dapat ang ginawa ko. Feeling ko naman may natutulong ako sa kanila. Pero sinasabi ko sa kanila, depende sa sitwasyon, depende sa tao,” saad ni Jelai.

Ang Kenzen at Reiko na Health Boosters ang ine-endorse ni Jelai para sa Beautederm.

Masayang ibinalita ni Ms. Rei na aprubado na raw sa FDA ng Canada ang kanilang produkto kaya makakapagtayo na raw siya ng store doon.

Iyon naman talaga ang purpose ni Ms. Rei na makarating sa ating mga kababayan ang Beautederm dahil marami naman talaga ang umu-order sa kanila mula sa iba’t-ibang bansa. “Ang gusto ko kasi makapag-apply sa FDA nila para makapagpatayo na tayo ng store dun. Para makita ng mga Pinoy at ibang lahi.

“Gusto ko pang madagdagan ang ating mga babies (endorsers) para tayo ay mamasyal sa buong mundo para sa ating mga products ng Beautederm,” pakli pa ni Rei Tan ng Beautederm.

vuukle comment

JELAI ANDRES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with