^

Pang Movies

Sen. Bong, ‘di gumamit ng foam!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Sen. Bong, �di gumamit ng foam!
Sen. Bong

Nasabik nang husto si Senator Bong Revilla, Jr. sa muling pag-arte. Damang-dama ito sa senador sa mga eksena niya sa weekly fantasy Kapuso series niyang Agimat ng Agila. “Unang-una, siyempre, simula nung nanggaling tayo sa…’Yung pananabik sa paggawa ng project katulad ng Agimat ng Agila.

“Ang masasabi ko rito, it’s worth waiting for. Matagal ko nang pangarap ito. Puro pangarap lang. Kailan ko ulit kaya magagawa.

“Eh nagawa nating napakaganda dahil magagaling ang mga nakapaligid sa atin, writers, director, cast. Class A.

“That’s why I am very, very thankful sa kanilang lahat dahil nakagawa tayo ng napakagandang proyekto. Kaya ‘yung pananabik ko, matagal kong hinintay. Ito’y isang napakalaking regalo ng Panginoon sa akin,” pahayag ni Seandor Bong sa media conference noong isang araw.

Dedicated ba ito sa yumaong daddy Ramon (Revilla, Sr.)?

“Yes! Alam ninyo naman ‘pag sinabing Agimat, Ramon Revilla ‘yan and I would like to dedicate Agimat ng Agila to my father Ramon Revilla.

“Alam naman natin na ‘pag sinabing Agimat like Nardong Putik, Tiagong Akyat, alam naman nating siya ang nagsimula niyan,” pahayag pa ni Sen. Bong.

Ayon naman kay director Rico Gutierrez, wala pa ring kupas si Bong sa ­pagiging action star. “Maliksi. Ayaw padobol. Walang takot sa mga delikadong eksena! Taglay pa rin ni Bong ang husay at galing niya bilang action star! Ayaw gumamit ng foam sa pagbagsak niya!” bulalas ni direk Rico.

Mapapanood simula sa May 1, Sabado, ang pagbabalik sa TV ng Titanic Action Star Bong Revilla, Jr.!

vuukle comment

BONG REVILLA JR.

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with