^

Pang Movies

Migo, may naiwang kontrata sa GMA

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Migo, may naiwang kontrata sa GMA
Migo

It’s not final goodbye pa pala sa Ultimate Male Survivor of StarStruck Season 6, Migo Adecer. Ikinagulat ng fans at mga kasamahan ni Migo sa GMA Network’s talent arm na GMA Artist Center ang biglaan niyang pamamaalam nang mag-post siya ng video of himself na nagpapasalamat sa support sa kanya ng fans at mga Kapuso stars at sa GMA Network sa opportunity na makapagtrabaho sa kanila.

Pero ayon sa ma­nager ni Migo, si Daryl Zamora, at GMAAC, hindi siya magku-quit dahil naka-contract pa siya sa kanila. Dagdag pa ni Daryl, “he is not quitting, pinayagan lamang namin siyang tapusin ang studies niya sa Australia and spend time with his family, dahil more than a year na siyang hindi nakauuwi sa kanila sa Australia. It’s a good time to let him be with his family, we support whatever decision he has made.”

Last year nagbakasyon muna si Migo with her girlfriend sa Hong Kong pero inabutan sila roon ng lockdown dahil sa pandemic at nang puwede na silang mag-travel kailangan nang bumalik ni Migo sa Pilipinas dahil magre-resume na sila ng taping ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, plus may iba pa siyang commitments sa GMA.

Maxine, kinabubuwisitan

Labis naman ang pasasalamat ni Kapuso actress at First Yaya star Sanya Lopez, sa mga papuring tinatanggap niya sa social media dahil pampa-good vibes daw nila sa gabi, bago matulog, ang story ni Yaya Melody sa First Yaya.

Pumapalakpak daw sila kapag napapahiya si Lorraine (Maxine Medina) na walang ginawa kundi maliitin ang pagkatao ni Yaya Melody na laging ‘maid’ ang tawag niya.  Hindi kasi nagpapatalo si Yaya Melody kahit kanino, kapag nasa tama siya. Ang hinihintay ng viewers ay kung paano magi­ging sila ni PGA (President Glenn Acosta), si Gabby Concepcion. 

Mapapanood ang First Yaya gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

Edad ni Sofia, hindi na bawal

Masaya ang may 1.9 million followers sa social media accounts ni teenstar Sofia Pablo dahil last April 10, ay nag-celebrate na siya ng kanyang 15th birthday. Inulan ng mga pagbati si Sofia mula sa mga kapwa Kapuso artists niya at overwhelmed siya sa videos posted ng fans niya na nag-celebrate raw sila ng birthday ni Sofia sa kani-kanilang bahay.

Matatandaan na kulang si Sofia sa age requirement ng IATF na 15 years old para makapagtrabaho noong pandemic, kaya na-cut short ang appea­rance niya sa GMA Afternoon Prime drama series na Prima Donnas.

Kaya ngayon na of age na si Sofia para muling magtrabaho, best birthday gift daw niya na puwede na siya muling maging cast member ng book two ng Prima Donnas.

vuukle comment

MIGO ADECER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with