^

Pang Movies

OML stars, mahaba pa ang lock-in

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
OML stars, mahaba pa ang lock-in
Lovi Poe

Ang virtual presscon ngayon ng GMA 7 para sa Owe My Love na pinagbibidahan nina Lovi Poe at Benjamin Alves.

Sa February 15 na kasi ang pilot telecast ng nasabing romantic-comedy series ng Kapuso network.

Tamang-tama na no taping ngayon ang cast, kaya ngayon naka-schedule ang presscon nila.

Hanggang March 10 pa ang lock-in taping ng Owe My Love cast sa Sta. Maria, Bulacan at mukhang smooth sai­ling naman ‘yon dahil kitang-kita naman ‘yon sa masasayang pictures at videos na ipino-post ng cast sa kanilang social media accounts.

Bukod kina Lovi at Benjamin, kasama rin sa Owe My Love sina Winwyn Marquez, Ruby Rodriguez, Nova Villa, AiAi delas Alas, Leo Martinez at iba pa.

Sharon, baka sampalin si Nora

Hanggang ngayon ay ayaw pa ring i-reveal ni Joed Serrano ang sikat na sikat na aktres na kinukuha nila para maging co-star ni Nora Aunor sa pelikulang Kontrabida. Noong una, may binanggit na pangalan sa akin si Joed na isang sikat na Kapamilya aktres, pero kahapon nang magka-chat kami, mukhang hindi na ‘yon ang kinakausap nila.

Sabi kasi ni Joed, mas sikat pa raw ang aktres na kino-confirm pa lang nila.

Bale special participation lang sa Kontrabida ang sikat na sikat na aktres na ‘yon at may eksenang sasampalin nito si Nora.

May nagtsika naman sa akin na kinakausap ni Joed ang kampo ni Sharon Cuneta para sa special guesting na ‘yon. Pero nang tanungin ko kay Joed ang tungkol doon, “My lips are sealed” ang drama ng producer ng Godfather Productions.

Ayaw niyang magsalita ng kahit na ano. Pero hindi ba noong araw, naipagprodyus na ni Joed ng concert si Sharon? So, ang Megastar na nga ba ang mag-i-special guest sa Kontrabida movie ng Superstar?

Ang bongga lang kung si Sharon nga ang sasampal kay Nora.

Sabi ni Joed, nagsabi raw ang Superstar na first and last time ito na gaganap na kontrabida.

Ang bongga! ‘Yun na!

vuukle comment

BENJAMIN ALVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with