^

Pang Movies

Kasal na sana kung walang pandemic, Gen. Parlade ninong pa kaya?

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

May isang pinakalihim-lihim nila noong araw na inilabas din ni Angel Locsin ngayon. Noon palang Linggo, November 8, ang nakatakda sanang pagpapakasal nila ng kanyang boyfriend na si Neil Arce, na kailangan lang nilang iurong dahil sa umiiral na pandemic. Marami raw kasi silang mga kaibigan na hindi maaaring hindi nila kumbidahin sa araw ng kanilang kasal. Eh dahil nga sa pandemic, bawal ang gathering ng mahigit sa 10 tao, kaya papaano nga ba iyon. Nagpasya silang i-postpone na muna ang kanilang kasal.

Kaya ngayon ang inaasikaso na lang ni Angel ay iyon namang sinimulan niyang fund campaign para makalikom ng isang milyon, na ibibigay daw bilang ayuda sa mga biktima ng sunud-sunod na bagyo, lalo na nga ang mga naging biktima ng bagyong si Rolly.

Pero teka muna, kung ikakasal na kaya si Angel, talaga kayang kukunin nilang ninong si Lt. General Antonio Parlade na nagsabi pa sa senate hearing na “family friend” kasi nila si Neil?

Mga artistang maldita noon pa, nabubuko na

Pinayuhan ng aktres na si Glaiza de Castro ang kanyang matalik na kaibigang si Angelica Panganiban na “tigilan na muna iyang social media.” Iyon ay matapos na makita niyang affected ang kanyang kaibigan dahil sa sunud-sunod na batikos na tinatanggap sa social media na nagsimula sa isang post na ginawa noon na parang nangangantiyaw. Wala namang binanggit si Angelica kung sino ang tinatanong niya ng “ano’ng plano. Tulog na lang ba.” Pero iyon ay hindi naging maganda sa pandinig ng maraming tao na hindi pinalampas ang kantiyaw na iyon ni Angelica.

Ang tanong nga namin, noong bang araw na iyang mga artista ay hindi naman nagbababad sa social media, may naging problema ba silang ganyan? Nasasabi rin naman nila kung ano ang gusto nila, pero dahil dumadaan nga sa mga lehitimong pahayagan, naaalis iyong sobra, o sabihin nating nako-control ang hindi na tama.

Mayroon pa ngang isang magandang example. Nagtatanong sila bakit kung kailan pa raw tumanda, at medyo nalaos na ang isang female star at saka pa na­ging maldita, na parang walang ipinagmamalaki kundi ang kanyang kayamanan. Natatawa na lang kami kung minsan. Hindi kasi alam ng publiko na iyon talaga ang ugali ng female star na iyan noon pa man. Naitatago nga lamang dahil makakasira sa kanyang image. Kaya nga naninibago ang mga tao dahil ngayon lumalabas na napakamaldita niya.

Kagaya rin iyan ng isang star na tanggi nang tanggi sa ghosting, at sinasabi pang wala siyang relasyon sa sinasabing karelasyon niya. Aba dahil sa kapo-post niya sa social media ay nabuko ang pagsisinungaling niya dahil nabisto ang isang bakasyon niya sa kung saan na may kaugnayan doon sa lalaking sinasabing inagaw niya.

Iyan kasing social media, walang control iyan eh. Sinasabi ng mga artista, “freedom of expression” nila iyon. Pero napapasama tuloy sila dahil sa kung minsan ay hindi nila mapigil sa inilalabas nila. Oo nga wall nila iyon, pero lahat ng ilabas nila roon, bukas na sa publiko, at lahat may karapatang laitin sila, “freedom of expression” eh.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with