^

Pang Movies

Mga artista, tuloy ang pagsali sa pulitika

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Mga artista, tuloy ang pagsali sa pulitika

Nagkakagulo na naman sa showbiz dahil sa palitan ng mga opinyon.

‘Yung mga opinyon nina Agot Isidro at Angelica Panganiban, at iyon naman sa panig ni Arnell Ignacio.

Nakisali pa ang isang starlet na naka-base sa US, si G. Toengi.

‘Yung mga opinyon naman ay lahat welcome dahil karapatan iyan ng bawat mamamayan. Respeto na lang sa bawat isa na pakinggan kung ano ang panig ng bawat kampo. Pero isang bagay na huwag nating laging kalilimutan, ‘yung dapat bigyan natin ng sapat na panahon na kumilos ang mga leader natin.

Parang off para sa akin ‘yung sinabi ni Agot na kung magpapadala ng tulong si Mark Ruffalo, dapat sa office ni VP Leni Robledo ipadala. Uutusan mo ‘yung magbibigay kung kanino dapat ibigay ang tulong niya? Iyon bang parang huwag kang magtiwala sa Presidente namin, kay Vice dapat.

Walang problema dahil pareho naman nating leader sina Papa Digong at Vice Leni, pero hindi ba parang off naman na pati sa mga foreigner ipinapakita natin na watak-watak ang bansa natin.

Gaya rin sa case ni Angelica na siguro nagulat din nang makita na nakasakay sa helicopter si Papa Digong na akala ng lahat ay hindi lumabas during the storm.

Si G. Toengi ay nasa US na, doon na niya piniling mag-stay, so makialam siya sa problema ng bayan natin kung nandito siya at personal na nakikita, hindi ‘yung long distance observation at ‘yung bali-balita lang.

Saka dapat magkaisa na tayong lahat, wala na iyang kulay, dilaw, pula, berde o blue, lahat tayo ay Pilipino. Lahat tayo kapit-kamay.

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with