_pang-masa
^

Rhian may baong washing machine

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon (Pang-masa) - November 9, 2020 - 12:00am

Nakakatuwang malamang parang mga new student na papasok sa first day classes nila ang cast ng Love of My Life dahil pare-pareho silang first time sasabak sa bagong taping protocols, at hindi nila alam kung ano ang babaunin o dadalhin sa taping.  Hindi sila puwedeng makalimot ng dapat dalhin dahil hindi sila puwedeng lumabas ng location hanggang hindi tapos ang 22-day lock-in taping nila.

Kina Ms. Coney Reyes, Carla Abellana, Rhian Ramos at Mikael Daez, si Rhian pa lamang ang nakaranas ng four-day lock-in taping nang gawin niya ang mini-series na I Can See You, this time, 22 days kaya isa sa inihanda niya ay isang mini washing machine, kasi daw “yung mga intimate things, you don’t want them to wash doon sa labas.”

“Minsan iniisip mo, kailangan mo ba talagang dalhin ang mga ito, pero, baka hanapin ko kapag nandoon na ako, saka yung mga pagkain,” natatawang sabi ni Coney.

“Dahil work trip, kailangan kong dalhin lahat, mahirap nang kulangin ng underwear, essentials iyon, na dapat kong isipin,” sey naman ni Mikael.

At si Carla, “dahil limited ang bilang ng tao sa set, naisipan kong magdala ng portable cooker, it’s a travel cooker.  At least anytime, magutom man, or if anybody wants food, may maliit ako, na packable lang siyang cooker.”

Kaabang-abang ang pagpapatuloy ng story ng Love of My Life, dahil tiyak na may changes, since may mga batang anak sa story sina Carla at Rhian at nagtapos ito bago ang lockdown na preggy na si Carla sa magiging baby nila ng namayapa na niyang asawa, played by Tom Rodriguez.

CONEY REYES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with