Bryan, may potential NA direktor
Bryan, may potential NA direktor
STARTALK - Lolit Solis (Pang-masa) - October 27, 2020 - 12:00am

Siguro nga ang pinakamaganda na gumawa ng isang documentary ay ang kapamilya mo rin. Kasi mas emotional, mas raw ang magiging dating dahil firsthand ang lahat.

Maganda ang pagkakagawa ng Ramon, ang docu na inilabas sa GMA News tungkol kay Ramon Revilla Sr. Lahat ng facts ay mula sa mga tao na directly naging parte ng buhay niya. Nabigyan ng magandang perspective ang bawat bagay sa buhay niya.

Maganda at malinis din ang naging trabaho ni Bryan Revilla, ang kanyang apo, na nagdirek nito, na siyempre higit kanino man, alam ang buhay ng kanyang lolo.

Maganda ang narrative, hindi mushy o icky sa tenga. Maganda ang hagod sa dibdib ng memorable parts ng buhay niya. Pati ‘yung pagpapakita ng clips, piniling mabuti.

Congrats, Bryan, mukhang puwede kang director, o writer o editor, maganda ang ginawa mo. Congrats. 

Mga pagsubok, sunud-sunod

Talagang parang gusto ng panahon na i-test talaga ang endurance at patience ng mga Pilipino.

Imagine habang may pandemic pa, heto at sunud-sunod pa ang bagyo, meron pang mga lindol. Para bang ibinuhos ng lahat ng hirap sa atin ngayon.

Masyado ka na ngang nasa-sad na makita sa kalye ang mga matatanda na nakalagay sa placard na mga driver sila na hindi makapasada at nanghihingi ng tulong.

Ang sakit din sa dibdib ng mga nagkalat na bata sa kalye, kahit pa nga may pandemic at puwede silang kapitan ng sakit. ‘Yung kahit hindi mo gustong kainin o gamitin, basta inalok sa iyo ng nagtitinda sa daan bibilhin mo na lang para makatulong man lang.

Sabay-sabay na pahirap pero alam mo na malalagpasan pa rin natin ‘yung pagsubok, dahil isang Pilipino tayo, kilalang matiisin, resilient, kaya lahat ng pagsubok.

Basta kahit ano pa ang sabihin nila, Pilipinas pa rin ang pinakamaganda at pinakamatibay nating bahay, kahit ano pa ang mangyari, dito pa rin tayo sa bayan natin, kakayanin ang lahat, lalabanan lahat, we can always win as one. Basta mahal natin ang bayan natin, nothing will go wrong.

BRYAN REVILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with