^

Pang Movies

Ted maraming bitbit na tao sa paglipat sa TV5

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Noli nakikipag-negotiate sa DZRH?! , KC at Gabby bibida rin sa TV5, Luis may bagong noontime show

Bukod kay Ted Failon, inaasahang mapapanood din diumano sa TV5 ang mag-amang Gabby and KC Concepcion.

Yup, pagsasamahin daw ang mag-tatay sa isang programa ng network ng blocktime producer ng TV5 na bestfriend ni Gabby, si former Congressman Albee Benitez ayon pa sa source.

Eh kung isama na kaya nila si Sharon Cuneta?

Anyway, isa pang malapit na ring mapanood diumano sa TV5 ay si Luis Manzano kung saan siya ang magiging main host daw ng ilu-launch na noontime show ng network.

Asahan daw na mas marami pang Kapamilya personalities / stars ang mapapanood sa TV5.

Anyway, kahapon ay naglabas na nga ng official statement ang ABS-CBN tungkol sa pag-alis sa kanila ni Mr. Ted.

Matapos nga ang 30 taon, magpapaa­lam na sa ABS-CBN si Mr. Failon. For the last time ay mapapanood siya sa TV Patrol at Failon Ngayon sa TeleRadyo ngayong araw, Agosto 31.

Ang pagpapatigil sa radio broadcast operations ng ABS-CBN ang dahilan pa rin sa hakbang na ito.

“Bagamat nakalulungkot, iginagalang namin ang kanyang desisyon. Hinahangaan namin ang kanyang husay at pagmamahal sa radio broadcasting, na pinakamabisang paraan ni Ted para mas makapaglingkod ng mabuti sa bayan.

“Nagpapasalamat kami kay Ted sa dedikasyon at paglilingkod niya sa maraming taon bilang isang mamamahayag ng Kapamilya network. Si Ted ay mananatiling isang Kapamilya habambuhay. Hangad namin ang ikabubuti niya sa daang kanyang tatahakin,” ang kumpletong pahayag ng network kahapon.

Hindi pa diumano nagkaka-pirmahan ng contract ayon sa isang source, pero medyo matagal na diumano ang negotiations between TV5 and Mr. Failon.

Planado na raw ang programa nito sa Radyo5 at News5 pero hindi pa complete ang details.

Samantala, walang social media accounts si Mr. Failon kaya walang statement na nanggagaling sa kanya.

Nauna naming naisulat na kasama niya sa gagawing programa sa Radyo5 si DJ Chacha na matagal na niyang ka-tandem sa kanyang programa sa DZMM na Failon Ngayon.

Bukod kay DJ Chacha, marami raw dalang tao si Ted sa paglipat niya sa TV5.

Hinihintay din kung lilipat din sa ibang network si Kabayang Noli de Castro, pero ayon daw sa isang kapamilya nito ay wala na itong balak lumundag pa sa ibang channel matapos ang nangyari sa Channel 2.

Pero ayon sa isang reliable source, may ugong na nakikipag-negotiate si Kabayang Noli kay Mr. Deo Macalma, isa sa mga top gun ng DZRH, kung saan nauna nang lumipat sina Anthony Taberna and Gerry Baja. 

Andi preggy na naman, baby no. 3 na!

Oww buntis na pala uli si Andi Eigenmann.

Ito ang inamin niya sa kanyang latest vlog kasabay ng birthday greetings niya sa partner niyang surfer champion na si Philmar Alipayo. In Siargaonon ang mga papuri at pagbati ni Andi sa kanyang partner na ama ng kanyang second baby na si Lilo. Si Ellie na eldest niya ay si Jake Ejercito ang tatay.

“I hope you are also happy to have us in your life and to have me. I hope you’ll always be happy and that you’ll keep inspiring everyone to work hard every day to achieve their dreams.

“Again thank you so much, Mahal, for everything. Because of you, I am this happy and I have this wonderful life. We can’t wait to be back on the island and be complete soon. With you, me, Ellie, Lilo, and our newest Happy Islander on the way,” sabi ni Andi na Happy Islanders ang YouTube account.

vuukle comment

TED FAILON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with