^

Pang Movies

Angelica, ayaw sumamasa comedy show ng TV5?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Angelica, ayaw sumamasa comedy show ng TV5?!
Angelica

Isang taga-TV5 ang inusisa ko kung totoong seven hours ang nakalaang timeslot sa major blocktimer nilang si former congressman na si Mr. Albee Benitez.

“Bale for three shows ‘yung slots na blocktimed ni Albee.

“Bale isang game show, isang comedy at isang iko-comfirm pa,” sabi ng kausap ko.

So, para ba sa primetime ang tatlong show na produced ni Albee?

“Naku, hindi pa yata puwedeng magbigay ng details, eh. Bagong pirma pa lang kasi,” sabi ng kausap ko.

Aba, bongga, nagkapirmahan na pala.

Anyway, hindi malinaw kung ‘yung comedy show na sinabi ng kausap ko ay ang gag show rin ba na sinasabing mala-Banana Sundae (hindi nila puwedeng gamitin ang title na ‘yon).

Pero hindi ba ang sabi ay excited na ang mga dating taga-Banana Sundae ng ABS-CBN dahil karamihan sa cast ng comedy show na ipo-produce ni Albee ay galing sa natsuging gag show na ‘yon?

Feeling ko lang gag show nga ang sinasabing comedy show na ‘yon ay malabong makasama sa cast si Angelica Panganiban dahil may Walang Hanggang Paalam teleserye siya sa Kapamilya Channel na malapit na uling mag-lock-in taping.

Samantala, ang taong kausap ko ang tinanong ko rin tungkol sa lockdown ngayon sa TV5 broadcast complex sa Reliance St., Mandaluyong City.

May empleyado raw kasi ng Kapatid network na nag-positive sa COVID-19.

“Para safe, close down ‘yung facility. Bale kaninang madaling araw nagsimula ‘yung lockdown.

“Ang policy is two days para may time to disinfect everything,” sabi ng kausap ko.

Richard at Bea, itutuloy ang Kahit...

May fan si Richard Gutierrez na nagtanong sa akin kung totoong sa September 14 na ang pilot telecast ng Kahit Minsan Lang, ang teleserye ng aktor kung saan ay katambal niya si Bea Alonzo.

May lumabas daw kasing ang teleserye nina Richard at Bea ang papalit sa Love Thy Woman na magtatapos na sa September 11 na parang malabo namang mangyari ‘yon.

Tinanong ko nga si Richard kahapon tungkol doon at wala raw siyang idea kung kailan ang pilot telecast nila. Wala pa naman daw sinasabi sa kanila.

Feeling ko lang, Ateng Salve, akala lang ng ibang mga fan na ang Kahit Minsan Lang ang papalit sa Love Thy Woman ni Kim Chiu.

Anyway, may nagtsika naman sa akin na soon daw ay magre-resume ang
 taping ng Kahit Minsan Lang.

Tama ba na very soon ay magpapa-meeting ang Star Creatives tungkol doon?

Well… ‘Yun na!

vuukle comment

RICHARD GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with