^
Kanta ni Park Bo Gum, inaabangan
Park Bo Gum

Kanta ni Park Bo Gum, inaabangan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - June 20, 2020 - 12:00am

Hindi na makapaghintay ang fans ni Park Bo Gum na marinig ang kanyang single na All My Love na sinulat ng Korean-American na si Sam Kim.

Teaser pa lang ng Blossom Entertainment ng copy ng single sa napakaguwapo nitong picture ng cover ay mabilis na nag-trending ng Korean actor.

Bale ba, ang single ay bahagi ng 9th debut anniversary ni Park Bo Gum na may sentimental melody mula sa paghagod ng sweet voice niya.

Ang kanta ay regalo ni Park sa kanyang loyal fans lalo na ngayong dumaranas ng pandemic ang buong mundo.

Ang kanyang debut anniversary ay iri-release sa August 10 sa mga music platform around the world at August 12 ay sabay na maririnig sa Korea at Japan.

Si Park, ang isa sa itinuturing na extra ordinary na Korean actor na bukod sa nakakakilig nitong  kagwapuhan at husay sa pag-arte ay may  vocal power ang boses na kinakasabikan ng  Pinoy fans.

PARK BO GUM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with