Solenn nilantad na ang anak

Inilantad na ni Solenn Heussaff ang anak nila ni Nico Bolzico sa social media kahapon.

Ang tagal nang nagre-request ng followers ni Solenn na ipakita naman ang anak nila.

“Best days at home getting to know your pure gentle soul. Te amo Thylane..... de tout mon coeur! Sorry @nicobolzico this is just a girls pica... you cant hang with us!”

Pagkatapos manganak ay hindi pa nagbabalik-showbiz si Solenn hanggang inabutan na nga nitong lockdown.

Summer pictorial ng mga artista puro throwback

Kung normal ang panahon, tiyak may protesta ngayon dahil Labor Day.

Kung normal din sana, flooding na ang mga summer pictorial ng mga celebrity at influencer.

Sadly, stay at home ang pinaiiral ngayon na umpisa na ng extended enhanced community quarantine until May 15 kaya pulos throwback ang mga post sa social media.

Show comments