_pang-masa
^

Pang Movies

Regine nagtawag ng mga kaibigan para mag-donate

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Regine nagtawag ng mga kaibigan para mag-donate

Maraming nag-abang the other night ng One Night With Regine Concert for Bantay Bata.

Umabot sa P4.2 million ang naipon ng fund raising birthday concert niya na ginanap sa kanilang bahay sa Quezon City at napapanood ng live sa Facebook page ng ABS-CBN.

May duet pa sila ng Disney legend na si Ms. Lea Salonga na kinatuwa ng mga nanood.

Ayon kay Regine, siya mismo ang personal na nag-request ng nasabing duet kay Lea.

Aminado si Ms. Lea na mahirap ka-duet si Regine pero gusto raw niyang magkaroon sila ng concert pagkatapos ng pandemic na ito.

Nag-donate naman ng P1 million si Sharon Cuneta at iba pang kaibigan ni Regine na ayon sa Asia’s Songbird ay pinagtatawagan niya para mag-donate.

Naging punong-abala naman ang mister niyang si Ogie Alcasid sa One Night With Regine na 50th birthday celebration na rin niya.

Ang digital concert na nga yata ang magi­ging new normal sa concert scene habang may coronavirus pandemic.

OGIE ALCASID REGINE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with