Ate Vi work from home rin!
ISYU AT BANAT - Ed de Leon (Pang-masa) - March 31, 2020 - 12:00am

Hindi raw yata masyadong visible ngayon si Congresswoman Vilma Santos. Pero may katuwiran naman siya kung bakit ganoon.

“Alam naman ninyo, 37 na ako, at sinasabi nga ng DOH na hindi na dapat maglalabas ng bahay. Kailangang sundin ang home quarantine dahil mahirap na laban talaga ito. Isa pa, may lockdown na ngayon sa Lipa. Pero hindi ibig sabihin hindi ko monitored ang sitwasyon. Work from home ako. Alam naman ninyo ako hindi ako matatahimik nang walang ginagawa.

“Itong trabaho ngayon sa ilalim ng community quarantine, nasa executive iyan eh. Kaya ang kumikilos nang husto ay si mayor at saka iyong mga barangay namin. Pero alam naman nila na basta may mga problema nakahanda naman kaming tumulong ni senador.

“Tumutulong pa rin naman kami. Tuloy ang paghahanda at pagtulong sa relief operations, dahil nagsimula kami noon pang pumutok ang Taal. Iyon alam mo kung ano iiwasan, eh ito hindi eh. Kaya medyo nag-iingat lang,” mahabang kuwento ni Ate Vi.

Isabel mas gustong asikasuhin ang mga anak

Buntis na naman pala si Isabel Oli. Iyan na ang pangatlong anak nila ni John Prats.

Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi na masyadong aktibo sa showbiz si Isabel. Gusto niyang ibuhos ang kanyang panahon bilang ina ng kanyang mga anak. Si John naman, maganda ang itinatakbo ng career. Bukod sa pagiging actor, nagdi-direk na rin siya.

Kaya maganda naman ang kanilang buhay, at ok lang kung madagdagan pa ang anak nila. Inaasahan naman iyan sa panahon ng home quarantine.

Aktor na na-curfew, nakitulog sa bahay ng bakla

Inabot na raw ng curfew ang isang male star, kaya kaysa sa mahuli siya, nakitulog na lang muna siya sa bahay ng isa niyang “friend”. Iyon ang naging palusot niya sa kanyang ka-live in. Kasi nang hindi siya umuwi, nag-imbestiga agad iyon sa kanyang whereabouts.

Pero natuklasan kaya ni girlfriend na ang friend kung saan siya nakitulog ay gay?

VILMA SANTOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with