^
Kean naghahanda sa online concert!

Kean naghahanda sa online concert!

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 15, 2020 - 12:00am

Hindi hadlang para kay Kean Cipriano, vocalist ng bandang Callalily ang pagkakansela ng kanilang gigs dahil sa coronavirus para hindi sila maging creative.

Very witty si Kean sa idea na gawing online ang kanilang concert. Mas convenient pa ito at safe para sa kanilang fans.

Ang main goal ng singer ay ibahagi pa rin ang love at optimism sa gitna ng kinakaharap nating matinding hamon hindi lamang ang ‘Pinas, kung hindi pati na sa buong mundo.

Sa ngayon, wait lang ang fans sa detalye kung kailan ang online concert na ito ng Calallily mula sa kanilang record label mismo.

Mas exciting ang idea dahil ngayon pa lang ay nag-imbita na si Kean ng iba pang singers na puwede nilang maka-jam.

Tiyak na patuloy pa rin ang ibang live streaming ng ibang singing artists upang maghatid ng good music at good vibes sa fans.

Tuloy ang buhay lalo na sa pakikinig ng music upang magbigay ng inspirasyon at kumalma ang mga tao sa paglaban ng pagkalat ng nakamamatay na virus.

KEAN CIPRIANO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with