^
Chito pumatok ang pagtuturo sa pagsusulat ng kanta

Chito pumatok ang pagtuturo sa pagsusulat ng kanta

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate (Pang-masa) - March 11, 2020 - 12:00am

Hanggang ngayon ay trending pa rin ang vlog ni Chito Miranda na ang topic ay kung paano magsulat ng sariling kanta, na siya namang ipinagpapasalamat ng kanyang mga tagahanga.

Ayon kay Chito, nagsimula raw siyang magsulat ng kanta noong siya ay 14 years old, wala lang daw naniniwala sa kanya  noon na 14 lang siya dahil mukha raw siyang loko-loko.

Ibinahagi niya rin sa kanyang vlog ang isinulat niyang kanta para sa kanyang crush noon. Doon daw niya nadiskubreng maaari niya palang gamitin ang talento niyang ito para ma-express ang sarili ng mabuti.

Hindi raw problema kung gaano man ka-stupid, dark, o honest ang song, basta ang bilin ni Chito ay gumawa ka ng kanta na parang ikaw lang ang nakakarinig. Wala ka dapat pakialam kung sino ang makaririnig o kung ano man ang sasabihin ng iba.

Part 1 palang pala ito ng vlog ni Chito pero ang dami nang natutunan ng subscribers niya, kaya naman nabitin ang mga ito.

Sa totoo lang, sa sobrang dami niyang  maituturo ay puwede na siyang makabuo ng sariling libro.

CHITO MIRANDA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with